KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas
AS of July 31, umabot na sa P50. 5-M ang pledged kay Hidilyn Diaz para sa pagwawagi n’ya ng gold medal sa kasalukuyang Olympics sa Tokyo, Japan.
Ayon sa ilang ulat, ang bilyonaryong negosyante pa lang na si Manny V. Pangilinan ang nakapagdeposito na ng pangako n’yang P10-M kay Hidilyn. Noong July 29 nagdeposito ang kampo ni Pangilinan.
Usap-usapan na rin ngayon ang pagbubunyag ng silver medal winner sa boksing noong 1996 Atlanta Olympics na si Onyok Velasco: ‘di n’ya natanggap ang P2. 5-M na ipinangako ng Kongreso noon sa kanya.
Sa 24 Oras news program nainterbyu si Onyok kamakailan. Nabanggit din n’yang pati ang pangako ng Philippine Navy sa kanya na bibigyan ng scholarships ang mga anak n’ya ay ‘di natupad. Dating kasapi sa Philippine Navy si Onyok na naging film-TV comedian din sa paglaon.
Ayon pa kay Onyok, may isang negosyante na isang taon siyang pinadalhan buwan-buwan ng P10K bagama’t ang orihinal na pangako ay lifetime ‘yon.
May nagbigay rin daw kay Onyok ng bahay na siyang tinitirhan n’ya at ng pamilya n’ya hanggang ngayon.
Pero hanggang ngayon, ‘di pa rin nalilipat sa pangalan n’ya ang titulo ng bahay at lupa na ‘yon.
Sambit ni Onyok: ”[Sana naman] ‘yung titulo lang mai-transfer na… kasi nakatira ako roon sa bahay, mamaya bigla akong palayasin doon.”
Asam din n’ya tungkol sa mga pangako kay Hidilyn: ”Sana matupad lahat para hindi lang si Hidilyn, ‘yung iba pang gustong maging athletes na kabataan, magpursige rin na ganoon pala kalaki ‘yung mga ibinibigay… “
Masuwerte si Hidilyn na nadepositohan na ng P10-M ang bank account niya.
Heto ang listahan ng mga pera na ipinangako sa ating kauna-unahang Olympic gold medalist: PHP10M fom the government; PHP10M from Ramon S. Ang of San Miguel Corporation; PHP10M from Manny Pangilinan’s MVP Sports Foundation; PHP5M from the government for setting two Olympic records; PHP5M from Siklab Atleta Sports Foundation; PHP5M from Deputy Speaker Mikee Romero; PHP3M from President Rodrigo Duterte; at PHP2.5M from Zamboanga City government.
Aside from the cash gifts, Hidilyn is supposed to get: a condominum unit from Megaworld worth “PHP14M”; a house and lot from Century Properties Group and PHirst Park Homes, Inc. valued at “PHP4M”; a house and lot in Zamboanga City from President odrigo Duterte; a house and lot from Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino.
Sana naman, bago matapos ang pasiklabang pagdiriwang ng mga Pinoy sa karangalang uwi ni Hidilyn, naipagkaloob sa kanya ang lahat ng maingay na ipinangako. May reputasyon ang mga Pinoy, lalo na ang mga politiko, na madaling nakalilimutan ang mga pangako at parang ni hindi sila nakukonsensiya sa ganoong kabalahuraan nila.