Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kathniel Carlo Katigbak Lizquen
Kathniel Carlo Katigbak Lizquen

Kathniel at Lizquen mas pabobonggahin pa ang career — Katigbak

HATAWAN
ni Ed de Leon

ABANGAN natin ngayon ang susunod na mangyayari at tingnan natin kung mas bobongga nga ang career ng KathNiel at LizQuen, matapos na sabihin ng presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak na sila ang bibigyan ng priority projects ng network. Ganoon din naman ang pangako sa iba pa nilang stars na hindi umalis kahit na nawalan ng franchise ang kanilang network.

Sinabi rin naman niya na naiintindihan niya ang mga lumipat sa iba dahil naghahanap din ng mapagkakakitaan, pero kung gusto raw bumalik sa kanila ay tatanggapin nila. Kaya nga nakipag-usap na rin siya kay Piolo Pascual na bagama’t tumalon nga agad sa TV5 at nag-host ng isang show na kalaban ng ASAP ay nagpahayag namang gusto niyang bumalik sa Kapamilya Network nang matigok ang kanilang show matapos ang tatlong buwan.

May sinasabi rin noon na maaaring si Piolo ay tumalon din sa GMA, pero ano pa nga ba ang gagawin niya roon ngayong naroroon na rin si John Lloyd Cruz na tiyak na siyang makakasapol ng malalaking projects, bukod pa nga sa marami ring leading men na nasa GMA Network.

Hindi naman basta nangako lang ang management ng ABS-CBN sa kanilang stars. Sinabi nilang handa na nga silang sumabak sa mga malalaking proyekto kahit na wala silang makuhang franchise dahil naniniwala sila na may nakukuha naman silang sapat na audience sa mga estasyong nagba-blocktime sila at sa iba’t bang internet platforms. At maaaring dahil doon ay pumasok nang muli ang mga commercial sa kanila, bagama’t sa mas mababa nga ang rate kaysa dati nilang singil noong araw. Hindi rin maikakaila na naghahanda rin sila sa posibleng pagtambak ng mga political ads sa susunod na taon dahil may eleksiyon nga.

Kaya nga masasabing may basehan naman ang pangako ngayon ng ABS-CBN sa kanilang mga star na makapagbibigay sila ng mga malalaking proyekto. Pero siguro nga ang testing ay iyang serye nilang Darna na talagang magastos dahil gagamit iyan ng CGI all the way.

Kung maituloy nila iyan kagaya ng mga plano noong araw, sigurado ngang makapagsisimula na sila ng iba pang malalaking proyekto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson

Gerald umamin may mga pagkukulang kay Julia kaya naghiwalay

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Gerald Anderson na may pagkukulang siya kay Julia Barretto kaya …

Jessy Mendiola Luis Manzano

Luis at Jessy puno ng pasasalamat ngayong 2025 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MATAPOS ang isang matagumpay na taon para kina Jessy Mendiola at Luis Manzano, nagpasalamat …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …