Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ECQ Diary Bawal Lumabas
ECQ Diary Bawal Lumabas

ECQ Diary, bahagi ng 17th Cinemalaya Indie Nation Full Feature category

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KABILANG ang pelikulang “ECQ Diary (Bawal Lumabas)” sa 17th Cinemalaya Indie Nation Full Feature category.

Tampok dito ang mga premyadong veteran actress na sina Ms. Elizabeth Oropesa at Ms. Daria Ramirez. Mula sa pamamahala ni Direk Arlyn Dela Cruz-Bernal, kasama rin sa napapanahong pelikula si Unica Yzabel.

Ang pelikula ay tungkol sa pandemya at natapos sa panahon ng pandemya.

Ang ECQ Diary ay iprinodyus ng multi-awarded actress na si Ms. Elizabeth. “Not everyone was able to make a movie about the pandemic during the pandemic, so in a way, this is historic,” sambit niya.

Mismong si La Oropesa ang pumili kay Daria para maging co-star niya rito. Si Oropesa ay gumaganap bilang si Susan, samantalang si Ramirez ang nagbigay buhay sa papel ni Amalia.

“Wala kaming ibang ikinonsidera sa role ni Amalia maliban kay Dang (Daria). Buo ang tiwala namin sa kanya at higit sa lahat, kaibigan ko siya. Gusto ko siyang makasama sa proyektong ito,” esplika ni Ms. Elizabeth.

Ipinahayag ni Oropesa or La Oro as she is known in the industry, na mas naging malaking responsibilidad niya ang pagiging producer ng naturang pelikula, kaysa bilang artista nito.

“You take care of your fellow actors, the staff and the crew. You make sure they have food, proper accommodation, among other things,” lahad niya.

“The director is like a daughter to me. So that part was easy, we help each other,” sambit pa ni Ms. Elizabeth ukol kay direk Arlyn na isang veteran journalist and filmmaker at siya rin ang sumulat ng pelikula.

Ayon kay Direk Arlyn, parang magulang na ang turing niya kay Ms. Elizabeth. “She is like a real mother to me who checks on me regularly. She supports my every move especially on filmmaking.”

Ang principal photography ng ECQ Diary ay ginawa noong October 2020 at sa Olongapo City kinunan ang kabuuan nito. “When we made this movie, it was at the height of the pandemic. We had to comply with all the protocols. We were all together in one place. By God’s grace, no one contracted Covid-19,” pagbabalik tanaw ni Elizabeth.

Coincidentally, ang 17th Cinemalaya ay kasabay ng Enhanced Community Quarantine o ECQ na muling ipatutupad sa Metro Manila. Ang 17th Cinemalaya ay magaganap mula August 6 to September 5, 2021.

“The movie tackles a reality that we all face at the time of the pandemic. As an artist, I am proud to be able to produce a movie about the pandemic for future generations to see,” saad ni La Oro.

Ipinahayag ni Direk Arlyn ang kagalakan sa pagkakataong ibinigay sa kanya na mapasali ang pelikula nila sa Cinemalaya.

Aniya, “Subok lang kaya ako nag-submit, pero ang saya ng pakiramdam nang makatanggap kami ng email confirming our selection for 2021 Cinemalaya.”

Pahabol ni Direk Arlyn, “Iba kapag may gawa ka na kasama sa Cinemalaya. Masaya si Mommy Oro at ang buong produksiyon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

Bojie Dy Sandro Marcos

Speaker Dy, Majority Leader Marcos naghain ng makasaysayang Anti-Political Dynasty Bill

ni Gerry Baldo ISINASAKATUPARAN ni Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III ang kanyang pangakong repormang …

PRC Physician Doctor Medicine

PRC Board of Medicine aprubado para sa imbestigasyon laban sa mga doktor ng Bell-Kenz

MALUGOD na tinanggap ng abogado at tagapagtaguyod ng karapatang pantao na si Lorenzo “Erin” Tañada …

Arrest Shabu

Parang kendi lang kung magbenta ng shabu sa kalye, 2 tulak nakalawit

DALAWANG personalidad na kabilang sa isinasangkot sa droga ang naaresto ng mga awtoridad sa ikinasang …