Thursday , December 26 2024
Globe fiber to the home DPWH
Globe fiber to the home DPWH

Paglalatag ng Globe ng fiber sa mga tahanan at negosyo, pinabilis ng patakaran ng DPWH

MAS maraming tahanan at negosyo ang natayuan at nalatagan ng fiber o high-speed lines tatlong buwan mula nang ibaba ang kautusan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa ilalim ng naturang DPWH order,  pinapayagan ang mga telco na magtayo ng infrastructure projects sa mga pambansang kalsada na naaayon sa right-of-way.

Ito ay nagpalakas sa pagsisikap ng Globe na makapaglagay ng fiber-to-the-home (FTTH) sa mas maraming tahanan sa mga pangunahing lugar sa bansa.

Mula noong ikatlong linggo ng Marso ng taong ito, nakapaglagay na ng FTTH lines ang Globe sa tulong ng  96 permits mula sa DPWH.

Pinayagan din ang fiberization para suportahan ang mga Mobile Build mula sa 39 permits ng DPWH.

“Ang suporta ng DPWH at ng gobyerno ay talagang malaki ang magagawa para matugunan namin ang demand para sa koneksiyon sa internet sa mga highly-urbanized na lugar sa bansa. Ito ay makatutulong sa amin na mabilis makapaglagay ng mga fiber cables sa maraming mga tahanan na ngayon ay naka-depende sa pagkakaroon ng maaasahan, mabilis, at accessible na internet,” pahayag ni Joel Agustin, Globe Senior Vice President para sa Program Delivery, Network Technical Group.

Ang Department Order No. 29 o ang “Patakaran ng DPWH sa Telecommunications at Internet Infrastructure alinsunod sa Republic Act (RA) Blg. 11494,” ay nagpaluwag sa mga naunang pagbabawal lalo sa paglalagay ng mga poste. 

Pinapayagan na ngayon ang paghuhukay at mga pag-aayos ng mga proyektong pang-impraestruktura ng ICT na nasasakop ng limitasyon sa right of way para sa mga pambansang kalsada at highway.

Sa pag-alis ng naturang pangunahing bottleneck, inaasahan ng Globe na ang inspeksiyon at pag-aproba ng mga site ay makokompleto sa loob ng ilang araw, imbes ilang linggo o buwan gaya sa nakaraang proseso.

“Gagawin nitong mas mabilis para sa kompanya na magdala ng mga high-speed broadband services sa mas maraming mga bahay at negosyo sa pamamagitan ng FTTH. Kaya naman tiwala kami na maaabot namin ang aming target na magkaroon ng isang milyong fiber lines na magagamit ngayong taon,” dagdag ni Agustin.

Ang kautusan ng DPWH ay alinsunod sa Bayanihan  Acts 1 at 2 na nagpapadali sa pagkuha ng mga pahintulot mula sa mga lokal na pamahalaan at mga ahensiya ng gobyerno para sa paglalagay ng mga bagong cell tower.

Inilalaan ng Globe ang malaking bahagi ng P70 bilyong pondo nito sa pagpapatayo ng data network para makapaghatid ng koneksiyong world-class internet sa mga Filipino.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDGs) partikular ang UN SDG No. 9 na nagha-highlight sa mga tungkulin ng impraestruktura at pagbabago bilang kritikal na tagapagsulong ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya.

Nakatuon ang Globe na itaguyod ang mga prinsipyo ng UN Global Compact at mag-aambag sa 10 UN SDGs.

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Globe, bisitahin ang www.globe.com.ph.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Chavit Singson VBank

VBank inilunsad ni Manong Chavit

PORMAL nang inilunsad ni senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson ang VBank digital bank, isang …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *