Saturday , November 2 2024

Sa Cebu Pac vaccination program: Libreng bakuna para sa mga empleyado, dependents sinimulan na

INILARGA ng Cebu Pacific nitong Huwebes, 29 Hulyo, ang kanilang vaccination program na layong bakunahan nang libre ang mga empleyado at kanilang mga dependent, at third-party workers.

Bahagi ito ng Gokongwei Group’s CoVid Protect Program na nagsimula noong 6 Hulyo, na unang binakunahan ang frontliners mula sa Robinsons Retail. 

Kabilang sa unang batch ng bibigyan ng biniling mga bakuna ng Gokongwei Group ang 300 empleyado ng Cebu Pacific sa headquarters nito sa lungsod ng Pasay.

Inaasahan ng Cebu Pacific na makokompleto ang pagbibigay ng unang dose sa Agosto at magiging fully vaccinated ang lahat ng empleyado at third party workers sa Oktubre.

Bago simulan ang programang CoVid Protect, sinusuportahan ng Cebu Pacific ang pagbabakuna at ipinahayag na ang pinakamaagang bakuna ay ang pinakamabuting bakuna.

Dahil dito, nakipagtulungan sila sa Pasay LGU at Project Balik-Buhay ng Cebu, katuwang ng vaccination program ng mga LGU kung saan nakatira ang kanilang mga empleyado.

Sa kasalukuyan, nabakunahan na ang 51% ng kabuuang bilang ng workforce ng Cebu Pacific; at 58% ng kanilang mga piloto at crew.

“Even before the pandemic, the safety and overall flight experience of our passengers have been topmost priorities. With the pandemic, now more than ever, health is of primordial concern. Rightfully so, we continue to ensure everyJuan will feel confident to fly with CEB thus our championing vaccination efforts not only for organic employees but also for dependents, and our third party workers,” pahayag ni Felix Lopez, Cebu Pacific Vice President for People Department. 

Gayondin, patuloy ang safety drive ng Cebu Pacific upang maibalik ang tiwala ng mga pasaherong Filipino para sa air travel.

“We are thankful to the CEB management for always ensuring we fly safely amid this pandemic, so we can also make sure we deliver the best service to our passengers,” ani Capt. Joey Mananghaya, piloto ng Cebu Pacific.

Bahagi rin ang pagbabakuna ng Cebu Pacific sa kanilang mga empleyado ng magkatuwang na bisyon ng airline at Ingat Angat, isang kampanyang sinimulan ng pribadong sektor na nagpapalaganap ng kaalaman sa pagbabakuna at safety measures na makatutulong sa pagbangon ng pambansang ekonomiya.

Bukod sa kampanyang ito para sa pagbangon ng ekonomiya, nakapaghatid na rin ang Cebu Pacific ng milyon-milyong bakuna para sa mga Filipino.

Sa kasalukuyan, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng mahigit 4.8 milyong doses ng bakuna sa 21 domestic destination, at nakapaglipad ng higit sa 14 milyong CoVid-19 vaccine doses mula China simula noong Abril.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA LORENA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Sara Duterte H.E. Sainbuyan Amarsaikhan Mongolia

Courtesy call of Vice President Sara Duterte and Mongolian Deputy Prime Minister H.E. Sainbuyan Amarsaikhan

Vice President Sara Duterte welcomed Mongolian Deputy Prime Minister H.E. Sainbuyan Amarsaikhan at the Office …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Krystall Herbal Oil

Dalawang anak na toddler alaga ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,           Isa po …

USAID and RRDIC-I Unite to Propel Innovative Progress in Ilocos Region

USAID and RRDIC-I Unite to Propel Innovative Progress in Ilocos Region

THE Regional Research, Development, and Innovation Committee – I (RRDIC-I), a committee of the Regional …

i-ACT4SmartCity 2024 Kicks off in Cauayan City Driving Innovation and Building Smart Communities

i-ACT4SmartCity 2024 Kicks off in Cauayan City Driving Innovation and Building Smart Communities

THE much-anticipated Industry Academe Congress on Technologies for Smart City (i-ACT4SmartCity) 2024 officially opened yesterday …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *