Sunday , December 22 2024

Kung China ginapi ni Hidilyn BEIJING ‘SINAMBA’ NI DUTERTE SA P1.4-B BRIDGE PROJECT

ni ROSE NOVENARIO

HABANG patuloy na ipinagbubunyi ng sambayanang Filipino ang tagumpay ni Pinay weightlifter Olympic gold medallist Hidilyn Diaz na gumapi sa China, buong pagmamalaki namang ‘sinamba’ ni Pangulong Rodrigo Duterte at todo-puri sa Beijing dahil sa pagpopondo sa P1.4 bilyong Estrella-Pantaleon Bridge Project.

“Secretary Villar just whispered, congratulated me for all these projects, had no time to explain to him but in parting I said this is not my work, this is the work of the people involved directly, the People’s Republic of China, who provided the money, and the workforce of the DPWH and its dedicated workers, at ‘yung mga taong naghirap dito.

“Sa kanila itong proyekto. The credit and the honor should belong to the one who funded the project and of course the one who toiled night and day to make this bridge a reality,” sabi ng Pangulo sa inagurasyon kahapon ng proyekto.

“Workers on the way up of the echelons of the government have nothing to do with this except maybe to supervise and from time to time ask the progress of the project in Cabinet meetings.

“So today we mark another milestone under our build build build program, the inauguration of the new Estrella-Pantaleon bridge,” dagdag ng Pangulo.

        Ikinonekta ng 500-meter bridge ang Estrella St., sa Makati City sa Pantaleon St., at Barangka Drive sa Mandaluyong City na nag-ugnay sa dalawang mahahalagang business district sa Metro Manila at inaasahang makapgpapaluwag sa trapiko ng mga sasakyan.

“I’d also like to express our gratitude to the government of the People’s Republic of China for financing the project. The 1.46 billion peso funding that they have extended highlights the goodwill of the Chinese people and its government and further cements the good relations between our two countries,” anang Pangulo.

Umani ng batikos si Pangulong Duterte sa kanyang sinabi sa huling State of the Nation Address (SONA) na walang naganap na arbitration sa pagitan ng Filipinas at China sa isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea dahil hindi naman lumahok sa proceedings sa Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang Beijing.

“What will I do with a document that does not bind China because they were never a part of that arbitration? There was really no arbitration at all because it was only the Philippines side who was heard,” sabi ni Duterte.

Muli niyang tinakot ang publiko na sisiklab ang digmaan at tiyak na matatalo ang Filipinas kapag iginiit niya ang arbitral ruling sa China.

“Do you want war against China? Well, I’ll tell you. Even on the coast, beach of Palawan, before you can take off, the missile of China would be there in about five or 10 minutes. It would be a massacre if I go and fight a war now.”

Para kay Professor Jay Batongbacal ng UP Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea, mali ang pahayag ng Pangulo dahil may mga karanasan na kahit hindi lumahok ang isang partido sa PCA proceedings, legally binding ang desisyon ng arbitration court.

About Rose Novenario

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *