Saturday , November 16 2024

Enforcer na nagposas ng driver na namatay niratrat ng riding-in-tandem (Sa Sta. Maria, Bulacan)

PATAY agad ang bumulagtang traffic enforcer na kinilalang si Mario Domingo matapos pagbabarilin ng riding in tandem habang nagmamando ng trapiko sa Brgy. Caypombo, sa bayan ng Sta.Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Huwebes, 29 Hulyo.

Matatandaang nag-trending sa social media si Domingo, na kilala bilang ‘Bangis’ matapos sitahin ang isang Angelito Alcantara na nagmamaneho ng tricycle sa paglabag sa batas-trapiko.

Nakunan ng video si Domingo at Alcantara na nagtatalo sa gilid ng kalsada hanggang posasan niya ang biktima at atakehin sa puso na ikinamatay nito bago nakarating sa ospital.

Inaresto at nakulong si Domingo na kinasuhan ng homicide ngunit makaraan ang ilang araw ay nakalaya dahil sa piyansa at nagmandong muli ng trapik sa naturang barangay. (MICKA OLIVEROS BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *