Friday , May 16 2025

Vendor na tirador ng cellphone ng kapitbahay nasakote

SWAK sa kulungan ang isang vendor matapos pasukin at pagnakawan ang bahay ng kapitbahay na tricycle driver sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong suspek na si Rommel Pomeda, 25 anyos, residente sa Gulayan, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Batay sa pinagsamang ulat nina P/SSgts. Mardelio Osting at Diego Ngippol, dakong 11:15 pm, nang pasukin ng suspek ang bahay ng kalugar at  biktimang si Edwin Aparri, 52 anyos.

Salaysay ng biktima, natutulog sila ng kanyang pamilya sa ikalawang  palapag ng kanilang bahay, matatagpuan sa Gulayan, Brgy. Catmon.

Agad niyang napansin ang pagpasok ng isang tao sa kanilang kuwarto.

Pinagmasdan muna ng biktima ang ‘kawatan’ at nang magkaroon ng pagkakataon ay sinunggaban niya ngunit nanlaban ang suspek at tumakbo para tumakas.

Hinabol ng biktima ang suspek at sa tulong ng bystanders ay napigilan si Pomeda saka humingi ng tulong si Aparri sa mga barangay tanod.

Agad naaresto ang suspek na Pomeda na nakuhaan ng dalawang cellphones na pag-aari ng biktimang si Aparri. (ROMMEL SALES)

About Hataw Tabloid

Check Also

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan

Sharon hindi na iiyak sa pagkapanalo ni Kiko 

I-FLEXni Jun Nardo IT’S all over but the shouting! May nanalo na at may natalo …

VMX Karen Lopez

Vivamax star, BF missing mula noong 5 Mayo

HUMINGI ng tulong sa Quezon City Police District (QCPD) ang ina ng Vivamax star na …

DOST 2 ISU-BIRDC

Driving Digital Transformation: DOST 2, ISU-BIRDC Strengthen SETUP MSMEs Through Digital Skills

THE Department of Science and Technology (DOST) Region 02, in collaboration with Isabela State University …

DOST Starbooks FEAT

DOST Region 1 Turns Over STARBOOKS to 5 Underserved Schools in Ceremonial Event

SUDIPEN, LA UNION – The Department of Science and Technology Region 1 (DOST Region 1), …

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *