Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang hand-carried vaccines inilipad ng Cebu Pacific (Mula Maynila patungong probinsiya)

SA UNANG pagkakataon, naghatid ang Cebu Pacific hand-carried vaccines nitong Martes, 27 Hulyo, bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa vaccination program ng pamahalaan.

Una ang lungsod ng Dumaguete sa mga nakatanggap ng ganitong uri ng kargamento, habang susunod sa schedule ang lungsod ng General Santos sa Huwebes, 29 Hulyo.

Naging posible ito sa pamamagitan ng pag-alalay at pag-aproba ng Office for Transportation Security (OTS), sa pakikipagtulungan ng Cebu Pacific sa kahilingan ng Reliance United, ang partner ng Gokongwei Group para sa kanilang employee vaccination program.

Ang ganitong uri ng special courier service ay kinakailangang pre-arranged at mainam sa maliliit na kargamento ng mga bakuna, habang ang malakihang dami ng bakuna ay patuloy na ibibiyahe bilang cargo.

Maaaring magpadala ng mga katanungan sa CEB Cargo Customer Service sa pamamagitan ng kanilang

email address, [email protected]

“We are happy to keep looking for new ways to assist in our nation’s vaccine distribution efforts. We look forward to having more clients avail of this service, which we plan to make regular in the near future,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.

Ang mga inilipad na mga bakuna ay nakalagay sa mga insulated bags na may yelo upang mapanatili ang bisa nito sa kabuuan ng flight.

Lahat ng bag ay ligtas na nakalagak sa passenger seat katabi ng mga itinalagang caretakers.

Dumaan ang mga bakuna sa mahigpit na security measures at nakapasa sa lahat ng kinakailangang inspeksiyon upang maisakay sa eroplano.

Sa kasalukuyan, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng mahigit 4.8 milyong doses ng bakuna sa 21 domestic destination, at nakapaglipad ng higit sa 14 milyong CoVid-19 vaccine doses mula China simula noong Abril.

Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.

Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA OROZCO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …