Thursday , January 8 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Live-in partners huli sa buy bust (Sa P.2-M shabu)

ARESTADO ang notoryus na live-in partners, kasabwat ang isa pa, makaraang makuhaan ng halos P.2 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon City chief of police (COP) Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Allan Ruthirakul, 49 anyos, at Irene Flores, 42 anyos, kapwa  residente sa Esguerra St., Bisig ng Kabataan, Brgy. 2, Caloocan City, at Jonathan Soriano, alyas Atan, 31 anyos ng Tulay 9, Brgy. Daang Hari, Navotas City.

Ayon kay P/SSgt. Jerry Basungit,  may hawak ng kaso, dakong 11:00 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operations sa P. Aquino Ave., Brgy. Tonsuya.

Agad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.

Nakompiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang sa 27 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price P183,600 at buy bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …

Nicolas Torre III MMDA

Gen. Nicolas Torre III bagong MMDA GM, ops chief at tagapagsalita ng ahensiya  

MALUGOD na tinanggap ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Undersecretary Nicolas Torre III bilang …

explosion Explode

Kabahayan, mga bus nasira dahil sa pagsabog ng ‘deadly firecracker’; 4 timbog, 1 pa pinaghahanap sa Bulacan

NAARESTO ng mga awtoridad nitong Sabado, 3 Enero, ang apat na kalalakihan habang hinahanap ang …

Lunod, Drown

Lalaki nalunod noong bisperas ng Bagong Taon, Katawan natagpuan makalipas ang 2 araw

MATAPOS ang dalawang araw na paghahanap, natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod …