Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
The World Between Us Cast
The World Between Us Cast

Dina nanggigil kay Tom, gustong pingutin at tadyakan

Rated R
ni Rommel Gonzales

GINULAT ni Tom Rodriguez si Ms. Dina Bonnevie. Magkasama sila bilang mag-inang sina Rachel Libradilla at Brian Libradilla sa GMA primetime series na, The World Between Us.

“Si Tom actually ginulat niya ako Rito sa soap na ito kasi he’s always been the good boy.

“I’ve worked with Tom several times already pero rito, ‘yung talagang the way he delivers his lines, ‘yung talagang maiinis ka, eh.

“Kung puwede lang gusto kong pingutin at tadyakan! Very effective siya as a bad boy. 

“Pero at the same time hindi ka magagalit sa kanya because you know ‘yung pinanggagalingan niya is, kulang siya ng pagmamahal.

“Kulang siya ng pag-aaruga, kulang siya ng… parang he’s lost. 

“He’s looking for an identity, something like that, so even if he’s kinda bad, na siya ‘yung hadlang kay Jasmine and Alden, kay Lia at kay Louie, in a way parang iisipin mo pa rin na siyempre natural, kuya, ipagtatanggol mo ‘yung kapatid mong babae.”

Gumaganap si Jasmine Curtis-Smith bilang kapatid ni Brian na si Lia Libradilla, at male lead naman si Alden Richards bilang Louie Asuncion.

Bad boy si Brian (Tom) sa serye at labis ang papuri ni Dina sa aktor.

“I’m happy na pumayag si Tom na medyo dark naman ang character niya ngayon kasi it’s going to show his versatility as an actor.

“And he is very versatile as an actor,” seryosong sinabi pa ni Dina, ”kasi hindi naman madaling maging magaling na aktor.

“Because to be a good actor you have to be a thinking actor eh, and matalino si Tom.

“So hats off ako sa kanya.”

Napapanood ang The World Between Us weeknights, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …