Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ruru Madrid Lolong cast
Ruru Madrid Lolong cast

Ruru mga bigatin ang kasama sa Lolong

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

BIGATIN ang cast ng upcoming GMA Telebabad serye na Lolong na pagbibidahan ni Ruru Madrid. Bukod kina Shaira Diaz at Arra San Agustin na nauna nang ipinakilala bilang leading ladies ni Ruru, kasama rin sa adventure series ng GMA Public Affairs ang mga beteranong aktor na sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Bembol Roco, at Malou de Guzman.

Mapapanood din dito sina Rochelle Pangilinan at Ian de Leon kasama pa sina Mikoy Morales, Paul Salas, DJ Durano, Marco Alcaraz, at Maui Taylor. May special na pagganap naman sina Leandro Baldemor at Priscilla Almeda. 

Overwhelmed si Ruru sa titular role na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapuso Network.

“I feel so blessed na ipinagkatiwala sa akin ang proyektong ito. Ang maipapangako ko lamang po sa inyong lahat ay talagang ibubuhos ko po ang lahat dito.”

Malaking break din na makatrabaho ni Ruru ang mga tinitingala niya sa industriya. “Sobrang nakatataba po ng puso. It’s an honor na makatrabaho silang lahat. I just can’t wait na magawa itong proyektong ito at maipanood sa atin pong mga Kapuso,” say pa ni Ruru.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …