Tuesday , November 5 2024
Jason Paul Laxamana Alamat
Jason Paul Laxamana Alamat

Direk Jason Paul talent manager na

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

TALENT manager na rin ang multi-awarded director na si Jason Paul Laxamana dahil ang kanyang Ninuno Media ang discoverer, mentor, at creative director ng Alamat.

Ang Alamat ang pinakabagong sing-dance-rap boy group sa Pilipinas na nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga miyembro.

Sina Taneo mula sa Kalinga, Mo (Zambales), Kin (Quezon City), R-ji (Eastern Samar), Valfer (Negros Occidental), Gami (Bohol), Tomas (Albay), at Alas (Davao City) ang mga bumubuo sa Alamat.

Layunin ng Alamat na pagsamahin ang modern pop music at ang Pinoy cultural heritage.

Nagdaan sa mahigpit na screening process ang siyam na miyembro ng Alamat dahil bukod sa husay sa pagkanta at pagsasayaw, kailangang magaling sila sa pagsasalita ng kanilang native dialect.

Multilingual boy group ang pangarap ni Laxamana para sa Alamat dahil sa kagustuhan niyang gamitin ang mga regional language sa mainstream music.

“Alamat was formed with the ‘counter-Kpop’ concept. It uses the formula of Kpop—intensive training, audiovisual music, commercial appeal, etc.—but promotes Filipino culture and sensibilities instead. Crucial to this concept is its commitment to multilingualism.

“The idea is, if we seek to genuinely embody the Philippines, Alamat should reflect the country’s cultural and linguistic diversity,” pahayag ng Ninuno Media tungkol sa Alamat, na ipinu-promote ngayon ang kanilang unang single, ang ‘kbye.’”

Mapagkakamalang K-pop artists ang siyam na miyembro ng Alamat, pero Pinoy na Pinoy ang kanilang pananamit, ang tunog ng debut single nila, at paggamit ng Tagalog, Ilocano, Kapampangan, Bicolano, Waray-Waray, Hiligaynoon, at Bisaya sa lyrics ng kbye.

About Danny Vibas

Check Also

Vice Ganda

Vice Ganda sa pagpasok sa politika — never mangangampanya at gagastos

MA at PAni Rommel Placente SA panayam kay Vice Ganda ng dating manager na si Ogie Diaz para sa …

Andre Yllana

Andre na-shock kotseng lumubog sa baha ‘di na naayos

RATED Rni Rommel Gonzales SARIWA pa sa isip ng marami ang pinsalang dulot ng super …

Coco Martin Kim Rodriguez

Kim Rodriguez ‘di malilimutan pag-aalaga  ni Coco

MATABILni John Fontanilla HINDI makalilimutan ni Kim Rodriguez ang mga sandaling naging parte siya ng FPJ Batang Quiapo. …

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International nangako ng magandang kinabukasan sa kabataan

PINAGTIBAY ng Beiersdorf Philippines, Watsons, at Plan International Pilipinas ang pakikipagtulungan para paigtingin ang mga hakbangin tungo sa …

Trish Gaden

Trish Gaden aminadong liberated sa sex, nagpatakam sa pelikulang Baligtaran

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Trish Gaden na mahirap maghubad sa harap ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *