Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa serye ng anti-crime ops sa Bulacan: 17 law breakers kalaboso

ARESTADO ang 17 katao sa ikinasang serye ng mga operasyon kontra kriminiladad sa lalawigan ng Bulacan simula noong Linggo, 18 Hulyo hanggang Lunes, 19 Hulyo.

Nadakip ang anim na hinihinalang mga tulak ng ilegal na droga sa mga ikinasang buy bust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Calumpit Municipal Police Station (MPS) at Meycauayan City Police Station (CPS).

Kinilala ang mga suspek na sina Manuel Panti, Carter Yturiaga, at Charlito Solana, pawang mga residente sa Brgy. Perez, Meycauayan; Joel Morillo ng Brgy. Iba, Meycauayan; Mitchie Ablaza ng Brgy. Balungao, Calumpit; at John Mervin Matic, alyas Bayben, ng Brgy. Palimbang, Calumpit.

Narekober ng mga awtoridad sa isinagawang operasyon ang may kabuuang 10 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Gayondin, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Reyan Jazzin Cruz ng Brgy. Pandayan, Meycauayan, at isang Eliodoro Jr., ng Brgy. Lias, Marilao, ng mga elemento ng 1st Provincial Mobile Company habang sakay ng motorsiklo at nasabat sa checkpoint sa Brgy. Iba, Meycauayan, nakompiskahan ng tatlong pakete ng hinihinalang shabu, improvised water pipe, at digital weighing scale.

Samantala, nasukol ang anim katao sa operasyon laban sa ilegal na sugal na ikinasa ng Calumpit MPS at San Jose Del Monte CPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Romulo Acuin ng Brgy. Gumaoc East; Avelino Habana, Rowel Laña, at Fabian Lazaro, pawang mga residente sa Brgy. Gaya-Gaya, sa San Jose del Monte; Bobby Canopin, Sr., at Joey Roxas, kapwa mula sa Brgy. Balungao, Calumpit.

Naaktohan ang mmga suspek sa tupada at nasamsaman ng mga manok na panabong, tari, at bet money.

Kalaboso rin ang mga suspek na sina Joan Alcantara, taga-Brgy. Malabon, Pulilan; Arthur Paez ng Brgy. Muzon, San Jose del Monte, kapwa naaresto sa kasong Theft; at Jeyvan Esmail ng Brgy. Kaypian, San Jose del Monte na may kasong Attempted Homicide at Malicious Mischief.

Ayon kay Bulacan police director P/Col. Lawrence Cajipe, patuloy ang pagpupunyagi ng pulisya ng lalawigan sa pagsupil ng lahat ng uri ng krimen batay sa kautusan ng Chief PNP P/Gen. Guillermo Eleazar at ni PRO 3 Director P/BGen. Valeriano De Leon. (MICKA BAUTISTA) ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …