Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nene nilasing bago hinalay ng ex-lover

REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng isang teenager makaraang lasingin at halayin ang menor de edad na dating nobya sa loob ng kaniyang tahanan sa Novaliches, Quezon City.

Agad aaresto ang suspek na si Anjo Mendoza Horario, 19 anyos, binata, residente sa Masaya St., Brgy. Gulod, Novaliches. Siya ay kinasuhan ng paglabag sa RA 7610 o child abuse.

Sa report ni P/Cpl. Racquel Graneta ng Women and Children Protection Desk ng Quezon City Police District (QCPD) ng Novaliches Police Station 4, dakong 5:00 pm, 17 Hulyo, nang maganap ang insidente sa Sitio Luisito, Brgy. Gulod, Novaliches, QC.

Sa pahayag ng ina ng biktima na kinilalang si Aling Michelle, ang suspek at ang anak niyang itinago sa pangalang Nene, 15-anyos ay dating magkasintahan.

Niyaya umano ni Horario ang mga kaibigan, kasama ang dating kasintahan na mag-inuman sa kanyang bahay.

Makalipas ang ilang oras, nang makitang lasing na si Nene ay niyaya ito ng dating nobyo na matulog muna sa kaniyang silid at doon ay pinagsamantalahan ng suspek.

Nang mawala na ang tama ng alak ay naramdaman ng biktima ang pananakit ng kaniyang kaselanan kaya isinumbong sa kaniyang ina ang ginawang panghahalay sa kaniya ng ex-boyfriend. (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …