Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

INDIAN NATIONAL TIMBOG SA RIZAL (Sex video binantaang ikakalat)

INARESTO ng mga awtoridad ang isang Indian national nitong Linggo, 18 Hulyo, sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal matapos pagbantaan ang dating kasintahan na ipo-post sa internet ang kanilang sex video kung tatangging makipagkitang muli sa kanya.

Iniulat ng Calabarzon police nitong Lunes, 19 Hulyo, nagtungo sa kanilang himpilan ang biktima dakong 10:30 pm kamakawa at nagsampa ng reklamo laban sa suspek na kinilalang si Gurmet Singh, alyas Tony Kasel.

Ayon sa biktima, matapos nilang maghiwalay ay nagsimula na siyang pagbantaan ni Singh na kung tatanggi siyang makipagtalik sa suspek ay ia-upload ang kanilang mga sex video sa social media.

Bukod dito, nagbanta rin si Singh na papatayin ang mga anak ng biktima kung hindi niya susundin ang suspek.

 

Dinakip ng pulisya si Singh sa ikinasang entrapment operation sa loob ng isang fast food joint sa lungsod ng Antipolo matapos pumayag makipagkita sa kaniya ng biktima.

 

Kinompiska rin ng mga awtoridad ang cellphone ni Singh upang isailalim sa digital forensic examination.

 

Kasalukuyang nakapiit ang suspek habang inihahanda ang mga kasong kriminal na isasampa laban sa kanya. ###

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …