Tuesday , December 24 2024

Freelance workers protection bill isinulong sa Senado

NAGBABADYANG maging isang malaking labor dispute ang sitwasyon ng mga rider ng food delivery service apps, na kayang arestohin nang maaga kapag kinilala ang mga karapatan ng freelance workers alinsunod sa batas, ayon kay Senator Joel Villanueva.

Hinimok ni Villanueva, chair ng Senate labor committee, ang kanyang mga kasamahan sa Senado na suportahan ang Freelance Workers Protection bill, na inihain ng mambabatas sa plenaryo noong Setyembre ng nakalipas na taon.

“Maraming mga nawalan ng trabaho ang sumabak sa ‘freelance job’ sa kasagsagan ng pandemya upang kumita para buhayin ng kanilang pamilya,” aniya.

“Ito pong problema ng mga rider ng food delivery service apps ay isang patunay sa matinding pangangailangan natin para sa itaguyod ang Freelancers Protection bill. Abonado na po sila madalas, at minsan nabibiktima pa ng fake booking. Kaunting minutong aberya lang sa daan, katakot-takot na insulto at pambabastos ang tinatanggap nila mula sa mga nag-order. Kailangan pong may malinaw na proteksiyon ang ating freelance workers,” ayon kay Villanueva.

“Hindi po kinikilala ng Labor Code sa kasalukuyan ang mga freelance workers,” dagdag ng senador.

“Dapat po responsive ang ating mga batas sa mga pagbabago sa mga industriya at trabaho. Kung mayroong 1.5 milyong freelancers na may kanya-kanyang pamilya, ibig sabihin may higit sa anim na milyong mga kababayan natin ang apektado sa aksiyon o hindi pag-aksiyon sa usaping ito. Hinihikayat natin ang mga kasamahan na ipasa ang panukalang ito,” panghihikayat ni Villanueva.

“Tuloy-tuloy po tayo sa pag-aksiyon upang isulong ang Freelance Workers Protection bill dahil ginagawa nitong patas ang estado ng mga manggagawa at mga employer. Kikilalanin sa mata ng batas ang mga karapatan ng manggagawa, at kasabay nito ang pagpapahintulot sa mga employer na kumuha muna ng freelancer habang bumabangon sa epekto ng pandemya,” aniya.

Ayon kay Villanueva, idudulog niya muli ang isyu sa tanggapan ng Department of Labor and Employment (DOLE), na unang nangakong iimbestigahan ang usapin noong nakalipas na taon sa budget deliberations nito.

Nagsagawa rin ng kilos protesta ang Food Panda riders noong panahon na iyon sa DOLE dahil sa katulad na usapin.

Noong Setyembre, inihain ni Villanueva sa plenaryo ang Freelance Workers Protection bill o Senate Bill No. 1810 na kumikilala sa freelance workers at nagtataguyod ng mga karapatan nila sa ilalim ng freelance arrangement.

Batay sa Global Freelance Insights report ng Paypal, na inilabas noong 2018, tinatayang may 1.5 milyong freelance workers sa Filipinas.

Isinasaad sa panukala, inoobliga nito ang hiring party at ang freelance workers na magkaroon ng written contract o kahalintulad na dokumento, electronic file o printed copy, kung saan nakasaad ang kasunduan ng parehong partido sa mga nakalatag na terms and conditions, kasama ang malinaw na engagement at ang kabayaran para sa serbisyong ibinibigay ng freelance worker.

Itinataguyod rin ng panukala ang mga karapatan ng freelance workers, kabilang ang karapatan nilang idulog ang mga hinaing sa tamang venue, ayon kay Villanueva.

Kasama rin sa batas ang pagsasagawa ng DOLE ng mga seminar tungkol sa legal recourse na available sa freelance workers sakaling may mga dispute.  (NIÑO ACLAN)

 

 

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *