Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chinese national natagpuang patay

NADISKUBRE ang bangkay ng isang Chinese national dahil sa umaalingasaw na mabahong amoy nitong Linggo sa Pasay City.

Halos naaagnas na nang matagpuan ang bangkay ni Si Lin, 36 anyos, tenant sa Cartimar Commercial Arcade and Suites sa 2209 Leveriza Street, Barangay 29,  Zone 5.

Base sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ang tanggapan ng Pasay City Police mula sa guwardyang si Juven Duran.

Ayon sa guwardiya, habang nagsasagawa siya ng inspection dakong 5:00 pm sa ikaanim na palapag ng Cartimar Commercial Arcade and Suites, nakaamoy siya ng mabaho mula sa Room 609, kung saan nanunuluyan ang dayuhan.

Kaagad na ipinagbigay alam ng guwardya sa mga awtoridad ang insidente at nang respondehan at buksan sa pamamagitan ng duplicate na susi ang tinutuluyan nito ay dito nakita ang halos naaagnas na bankay ng dayuhan.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigayon ang pulisya sa sanhi ng pagkamatay ng dayuhan. (JAJA GARCIA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …