Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

3 katao arestado sa P.5-M shabu

TATLO katao ang nahuli na sangkot sa ilegal na droga kabilang ang isang buntis makaraang makuhaan ng mahigit P.5 milyong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang mga naaresto na sina Edgardo Dantes, 49 anyos; Jovienal Nallano, 35 anyos; parehong driver, mga residente sa Balanti St., Brgy. Ugong, at ang buntis na kinilalang si Gina Tayahop, 30 anyos, ng Don Simeon St., San Agustin, Brgy. Mapulang Lupa.

Sa ulat na ipinadala ni Valenzuela City  Police Chief Col. Ramchrisen Haveria, Jr., kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., dakong 8:30 pm nang magsagawa ng buy bust operations ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo sa loob ng Cats Mover Compd. #6059 Balanti St., Brgy. Ugong.

Kaagad inaresto ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P16,000 halaga ng droga ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

Ayon kay P/SSgt. Ana Liza Antonio, narekober sa mga suspek ang halos 75 grams ng hinihinalang shabu, may standard drug price (SDP) P510,000, buy bust money na isang tunay na P1,000 bill at 15 pirasong P1,000 boodle money, P900 cash, 3 cellphones, isang kulay gray na Mitsubishi Adventure, isang kulay pulang Hyundai Eon at pouch.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

 

 

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …