Saturday , November 16 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Kapit lang — Gov. fernando (Sa mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda)

“ANG tagal na ho ng pandemya at salamat dahil ngayon kahit paano, puwede na tayong mag­kaharap para mas mag­kaintindihan tayo sa ating mga pangangailangan. Bumababa na po ang kaso ng CoVid-19 sa atin, marami na rin ang naba­bakunahan. Salamat sa inyo. Kapit lang po tayo, proud po ako sa inyo dahil alam kong kabilang kayo sa mga dahilan nito, dahil nakikiisa kayo sa ating layunin na unti-unti, malampasan ang problemang ito.”

Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando habang pinatataas ang moral ng mga Bulakenyong mag­sasaka at mangi­ngisda na dumalo sa “Kumusta ka? Magsasaka at Mangingis­dang Bula­kenyo: Kumusta­han at Talakayan sa Pagsasaka at Pangis­daan”, nitong Huwebes ng umaga, 15 Hulyo, sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos.

Ibinahagi rin ng gobernador ang mga plano ng pamahalaang panla­lawigan sa pagsasaka kabilang ang pagtatayo ng Bulacan Farmers Training School at Bulacan Provincial Farmers Productivity Center.

“Pinag-uusapan din po namin ni Gigi na paramihin ang African Nightcrawler na maganda po para sa mga pananim, at ‘yung seedlings ng mga fruit bearing. Since marami na rin ang nakadi-discover sa DRT, marami nang nagpupuntang turista, we are also planning na i-develop talaga na eco-tourism site,” ani Fernando.

Tinalakay din sa nasabing aktibidad ang pagbabakuna kontra CoVid-19; presentasyon ng Registry System for Basic Sector in Agriculture; Fisherfolk Registry System; Farmer Cooperatives and Associations Accreditation Requirements; at Requirements for PhilMech and DA Regular Mechanization.

Gayondin, sinabi ni Noel Mauricio, pangulo ng Municipal Agricultural and Fishery Council ng Pulilan, mahalaga sa kanila ang nasabing simple at mabilis na pagtitipon.

“Itong panahon ng CoVid talagang hindi po kami nagkikita ng mga kapwa ko magsasaka, hindi kami nagkaka­balitaan. Ngayon, marami kaming nalaman na mga programa tungkol sa agrikultura at talagang nakararating sa amin. Itong mga ito ay para bang nakagagaan ng buhay para sa aming mga mag­sasaka,” ani Mauricio.

Sa programa, nama­hagi rin ang Provincial Agriculture Office ng grocery packs at cash raffle para sa mga dumalo.

Bilang konsiderasyon sa alituntunin ng IATF hinggil sa bilang ng mga dadalo sa isang lugar, apat na araw  gaganapin ang Kumustahan na sinimulan noong 13 Hulyo at itutuloy hanggang Agosto hanggang makaharap ang lahat ng 1,600 na mga magsasaka at mangingis­da sa lalawigan.

 (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *