NATAWA na lang ang The Clash graduate na si Jong Madaliday sa news na patay na siya.
Kumalat last July 7 sa Facebook na patay na si Jong na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga. Kaya naman nang makarating ito kay Jong ay agad siyang nag-post sa kanyang FB account ng video at sinabing buhay na buhay pa siya.
Ani Jong, “Tawang-tawa ko. Gag*, pinatay ako. Yo guys, I’m still alive. ‘Di ko alam kung bakit pinatay niya ako agad. ‘Di nga ko nagpaparamdam sa social media e. Minsan nga lang ako nag-a-upload e. Kahit picture, ‘di nga ako nag-a-upload. Pagbukas ko ng social media, sinabi patay na raw ako. Ang lala.
“Hindi pa nga tapos yong bahay ko gusto niyo na akong patayin! Hahahahahaha.”
Paliwanag pa ni Jong, pansamantala siyang ‘di naging aktibo sa social media dahil naging busy siya sa pagpapagawa ng bahay sa North Cotabato kaya naman nagulat siya nang kumalat na patay na siya.
– John Fontanilla