Saturday , November 16 2024

Magkalabang gang naglaban, estudyante kritikal sa tama ng bala

KRITIKAL sa pagamutan ang isang 17-anyos estudyante matapos barilin ng tatlong teenager nang magsagupa ang dalawang magkalabang gang sa Malabon City, kahapon ng madaling araw.

Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center (TMC) ngunit kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center (POC) ang biktimang itinago sa pangalang  Dave ng Navotas City dahil sa tama ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Kaugnay nito, ipinag-utos  ni Malabon City Police Chief P/Col. Albert Barot kay Sub-Station 5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo ang manhunt operation laban sa mga suspek na kinilalang sina Albert Lozano, Ayan Calidro, kapwa residente sa Block 13 Hiwas St., Dagat-dagatan, Brgy. Longos, at Deniel Soria ng Sawata St., Caloocan City.

Batay sa ulat ni Malabon police homicide investigator P/SSgt. Diego Ngippol, dakong 4:00 am kahapon sa Hiwas St., Brgy. Longos, nang magsagupa ang magkalabang gangs na Original Batang Tondo (OBT) at Stoke Fam (SF).

Sa pahayag sa pulisya ng mga nakasaksi, magkakasunod na nagpaputok ng kanilang pen gun ang tatlong suspek na miyembro ng SF gang patungo sa biktima na isang miyembro ng OTB.

Nang mapansin ng dalawang grupo ang mga nagrerespondeng pulis at barangay officials, mabilis nagpulasan sa magkakahiwalay na direksiyon habang naiwan ang duguang biktima. (ROMMEL SALES)

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *