Thursday , December 2 2021

Koreanong misyonaryo nabiktima ng ‘basag-kotse’ P.1-M, gadgets natangay  

NANAKAWAN ng P100,000 cash at ilan pang mga personal na gamit ang isang 65-anyos misyonaryo mula South Korea nitong Linggo, 11 Hulyo, nang mabiktima ng basag-kotse gang sa bayan ng Los Baños, lalawigan ng Laguna.

Sa ulat ng pulisya ng Los Baños, kinilala ang biktimang si Sang Gu Choi, 65 anyos, kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Antipolo.

Nabatid na patungo si Choi sa isang religious service sa lungsod ng Calamba dakong 11:00 am nang magdesisyong bumili ng buko pie kaya ipinarada ang kanyang kotse sa tabing kalsada sa Brgy. Anos.

Nang bumalik siya sa kanyang sasakyan, dito niya napansin na basag ang salamin ng bintana ng passenger sa harapan.

Iniulat ng biktima sa pulisya na nawawala ang kanyang itim na bag na naglalaman ng P100,000 cash, dalawang cellphone, at isang record book.

Nakunan ng isang security camera sa lugar ang insidente ng pagnanakaw kung saan makikita ang apat na lalaking pawang nakasauot ng mga helmet habang ginagawa ang pagnanakaw saka tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek. ###

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply