Saturday , November 16 2024

Koreanong misyonaryo nabiktima ng ‘basag-kotse’ P.1-M, gadgets natangay  

NANAKAWAN ng P100,000 cash at ilan pang mga personal na gamit ang isang 65-anyos misyonaryo mula South Korea nitong Linggo, 11 Hulyo, nang mabiktima ng basag-kotse gang sa bayan ng Los Baños, lalawigan ng Laguna.

Sa ulat ng pulisya ng Los Baños, kinilala ang biktimang si Sang Gu Choi, 65 anyos, kasalukuyang nakatira sa lungsod ng Antipolo.

Nabatid na patungo si Choi sa isang religious service sa lungsod ng Calamba dakong 11:00 am nang magdesisyong bumili ng buko pie kaya ipinarada ang kanyang kotse sa tabing kalsada sa Brgy. Anos.

Nang bumalik siya sa kanyang sasakyan, dito niya napansin na basag ang salamin ng bintana ng passenger sa harapan.

Iniulat ng biktima sa pulisya na nawawala ang kanyang itim na bag na naglalaman ng P100,000 cash, dalawang cellphone, at isang record book.

Nakunan ng isang security camera sa lugar ang insidente ng pagnanakaw kung saan makikita ang apat na lalaking pawang nakasauot ng mga helmet habang ginagawa ang pagnanakaw saka tumakas sakay ng dalawang motorsiklo.

Patuloy na nag-iimbestiga ang mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga suspek. ###

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *