Saturday , November 16 2024

2 drug traders, 9 pa nasakote sa Bulacan  

SUNOD-SUNOD na nadakip ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan ang dalawang drug trader, limang pugante, at apat na iba pa sa serye ng mga operasyon laban sa krimen nitong Linggo, 11 Hulyo.

Batay sa ulat na ipinadala kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, naaresto ang dalawang drug suspects sa magkahiwalay na anti-illegal drug operations na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bustos MPS at Marilao MPS.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Ernesto David, Jr., ng Lias, Marilao; at Kenrick Timbang ng Poblacion, Baliwag, na nakuhaan ng limang pakete ng hinihinalang shabu, tatlong pakete ng tuyong dahon ng marijuana, cellphone, at buy bust money.

Gayondin, inaresto ang apat na suspek ng mga awtoridad ng Bustos MPS, Marilao MPS, Meycauayan CPS at San Ildefonso MPS, na kinilalang sina Winefredo David, Jr., ng Poblacion 1, Marilao sa kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence against Women and Their Children); Cristito Badoy ng Negros Oriental sa kasong Frustrated Murder; Lance Ramirez ng Cambaog, Bustos, at Macknel Sangre ng Camalig, Meycauayan, na kapwa inaresto sa kasong Acts of Lasciviousness.

Samantala, nasakote ang limang pugante sa iba’t ibang manhunt operations na isinagawa ng tracker teams ng Malolos CPS at 2nd Provincial Mobile Force Company katuwang ang Bustos MPS, Norzagaray MPS, San Rafael MPS, at Sta. Maria MPS.

Kinilala ang mga suspek na sina Enrico Butardo ng Guyong, Sta. Maria, sa kasong Acts of Lasciviousness; Joshua Ramos ng Batangas City, at Juan Miguel San Pedro ng Bonga Menor, Bustos, kapwa inaresto sa kasong Estafa; Manuel Del Rosario ng Look 1st, Malolos sa paglabag sa Land Transportation and Traffic Code; at Lester Sedenio ng Poblacion, Baliwag sa kasong Rape. (MICKA BAUTISTA) ###

 

 

 

 

About Hataw Tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *