Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

20 pasaway sa Bulacan arestado

SUNOD-SUNOD na pinagdadakip ng mga awtoridad ang 20 tigasin at pasaway sa lalawigan ng Bulacan sa serye ng mga operasyon laban sa krimen mula Sabado, 10 Hulyo hanggang Linggo ng umaga, 11 Hulyo.

Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, nasakote ang mga suspek na sina Ernesto Magsino, Jr., ng Abangan Norte, Marilao; Edson Manozca ng Tabing-Ilog, Marilao; Ronaldo Alaoria, alyas Ronnie ng Paliwas, Obando; at Raymond Cortez, alyas Emon ng Banga 2nd, Plaridel, sa mga ikinasang anti-illegal drug sting sa mga bayan ng Marilao, Obando, at Plaridel.

Nakompiska mula sa mga suspek ang 26 pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money na dinala sa Bulacan Crime Laboratory Office kasama ng mga suspek para sa naaangkop na pagsusuri.

Kasunod nito, nadakip ang pitong suspek sa iba’t ibang insidente ng krimen na naganap sa mga bayan ng Baliwag, Norzagaray, at San Rafael.

Arestado ang limang suspek sa magkasanib na joint entrapment operation na ikinasa ng Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) at San Rafael MPS sa pagbebenta ng smuggled o untaxed na mga sigarilyo, samantala ang dalawa ay inaresto sa mga kasong Qualified Theft at paglabag sa Article III Sec 43 Par. B ng RA 4136 (Land Transportation and Traffic Code), Unjust Vexation at Oral Defamation.

Natimbog din ang siyam na suspek sa inilatag na anti-illegal gambling operations ng mga operatiba ng Marilao MPS at Pandi MPS, anim sa kanila ang huli sa aktong nagsusugal ng poker at  tong-its, habang nadakip ang tatlong suspek sa tupada, nasamsam mula sa kanila ang mga barahang pangsugal, mga manok na panabong, mga tari ng manok, at bet money.

(MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …