NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang Executive Order 139 Series of 2021 na pumapayag sa mga palengke, grocery stores, at talipapa na mag-operate araw-araw maliban tuwing 1:00 – 3:00 pm tuwing Lunes para sa disimpektasyon.
“Our COVID cases are decreasing that’s why we are easing some restrictions. However, we need to continue to be careful especially now that our country has confirmed cases of the Delta variant,” ani Tiangco.
“While we shortened the disinfection hours, we expect operators and vendees to follow and enforce public health protocols, and conduct daily disinfection,” dagdag niya.
Nagbabala si Tiangco, ang kabiguang magsagawa ng paglilinis sa tinukoy na iskedyul ay maaaring humantong sa muling pagpapataw ng araw para sa disinfection.
“We need to be vigilant lest we risk losing the gains we have achieved in our fight against CoVid-19,” sabi ng alkalde.
Hanggang nitong 28 Hunyo, ang Navotas ay nakapagtala ng 11,013 cases, 48 ang active, 371 ang namatay, at 10,594 ang mga gumaling. (ROMMEL SALES)