HINDI muna itinuloy ng Taguig local government unit (LGU) ang pagbabakuna para sa 1st dose at 2nd dose ng Sinovac Vaccines.
Sa abiso ng Taguig Public information Office (PIO) kamakalawa, 28 Hunyo 2021, simula ng tanghali itinigil ang pagtuturok sa mga naka-iskedyul gamit ang naturang bakuna dahil wala pang pahintulot ang Department of Health (DOH).
Kaugnay nito, hindi nakapag-rollout ang Taguig ng Sinovac vaccine mula sa kanilang cold chain facility para sa mga naka-schedule nitong Lunes.
Inilinaw ng lungsod, ang mga naka-iskedyul nitong Lunes na hindi natuloy ay ipa-priority sa susunod na abiso. (JAJA GARCIA)