Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Babaeng guro sa Quezon itinumba

BINAWIAN ng buhay ang isang babaeng public school teacher nang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek nitong Lunes ng hapon, 28 Hunyo, sa bayan ng Sariaya, lalawigan ng Quezon.

Sa ulat ng Sariaya police, nakaangkas ang biktimang kinilalang si Marilou Lagaya, 48 anyos, sa motorsiklong minamaneho ng kanyang pinsang si Maricel Surquia, nang pagbabarilin ng suspek na armado ng kalibre .45 baril, dakong 3:40 pm kamakalawa, sa Sitio Berhinan, Brgy. Manggalang.

Agad namatay si Lagaya, habang nakatakas ang armadong suspek.

Nabatid na pauwi sa kanilang bahay si Lagaya sa Brgy. Montecillo, mula sa Manggalang 1 Elementary School na kanyang pinagtuturuan nang pagbabarilin ng gunman.

Agad tumakas ang gunman kasama ang iba pang suspek sa direksiyon ng Brgy. Manggalang Tulo-Tulo, ayon sa pulisya.

Natagpuan ng mga nagrespondeng pulis ang slug ng tingga at pitong basyo ng bala ng kalibre .45 sa pinangyarihan.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo sa likod ng pamamaslang. Nagkasa ang pulisya ng hot pursuit operations upang matunton at madakip ang suspek.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …