Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

42-anyos rider todas sa Isuzu wing van

PATAY ang 42-anyos motorcycle rider na inararo ng isang delivery truck habang naka-red signal ang traffic light sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Dinala sa pagamutan ng mga tauhan ng Makati Rescue Team ang biktimang si Benedict Jose Gonzales Sungalon, residente sa nabanggit na lungsod ngunit binawian ng buhay.

Pinaghahanap ang driver at pahinante ng Isuzu Wing van, may plakang RJT-110 nang takasan ang insidente.

Sa ulat ng Makati Traffic Bureau, naganap ang insidenta sa panulukan ng Pres. Osmeña, Sr., Highway at A. Arnaiz Avenue sa Brgy. Pio del Pilar dakong 1:30 am.

Sa kuha ng CCTV, patawid mula sa Arnaiz ang Mio type scooter na minamaneho ng biktima nang mag-berde ang traffic light sa kanilang direksiyon.

Imbes huminto, dumiretso ang truck kahit red signal ang kanilang linya hanggang matumbok ang biktima, at nakaladkad ng ilang metro bago huminto.

Nagawa pang umabante ng kalahating kilometro ng truck na nakapangalan sa NCM Marketing Corp., bago tumigil saka tumakas ang dalawang lalaking sakay nito.

Kinailangang tanggalin ang nayuping motorsiklo bago naalis ang truck sa kalsada.

Pinaghahanap ang tumakas na driver at pahinante ng Isuzu Wing van. (JAJA GARCIA)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …