Monday , December 23 2024

Suspensiyon sa tserman sa CoVid-19 super spreader event inaabangan

TILA kontrapelo ang dalawang mataas na opisyal ng lungsod ng Caloocan sa magiging kapalaran ni Brgy. 171 Chairman Romy Rivera kaugnay sa kasong may kaugnayan sa insidente sa Gubat sa Ciudad resort, itinuturing na super spreader event ng CoVid-19.

Sa panig ni Councilor Dean Asistio, chairman ng Committee on Good Government and Justice ng Sangguniang Panglungsod, tiniyak nito na hindi na paaabutin ang pagtatapos ng suspension order kay Rivera sa darating na 2 Agosto, at ilalabas ng komite ang desisyon sa 15 Hulyo.

Si Rivera ay pinatawan ng 60-araw administrative suspension ng Caloocan City government at ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 3 Hunyo dahil sa kapabayaan sa tungkulin nang makalusot ang operasyon ng Gubat sa Ciudad resort habang nasa ilalim ng mahigpit na community quarantine  ang NCR plus.

Ayon kay Asistio, posibleng ang rekomen­dasyon nito at ng apat pang miyembro ng komite sa buong miyembro ng Sangguniang Panglunsod at kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan ay palawigin ang suspensiyon ni Rivera ng tatlo hanggang anim na buwan.

“Urgent matters sa amin, bago matapos ang 60 days ay dedesisyonan namin kung guility or not. Hindi naman natin masabi kung dismiss siya, o ang penalty madadagdagan ng 3-6 months ang suspension,” sabi ni Asistio.

Aniya, nag-iingat din ang komite sa ilalabas na rekomendasyon kung kaya’t masusing pinag-aaralan ang merito ng kaso. Nagbigay si Rivera ng position paper at nag­sagawa ng face to face hearing.

“Possibleng ma-dismiss si Romy, at hindi lang siya, dapat pati ang nagbigay ng permit at ang mga pulis na nasa Gubat sa Ciudad resort,” anito.

Sa panig ni Vice Mayor Maca Asistio, na nangu­nguna sa Sangguniang Panlungsod, sinabi niyang tatapusin ang suspension order kay Rivera.

“Tatapusin muna ni Rivera ang suspensiyon niya, but unless may iba pang kaso in relations to Gubat sa Ciudad may kakaharapin uli siyang kaso,” diin ni Maca.

Matatandaang sa Talk to the Nation noong 7 Hunyo, inireport ni DILG Secretary Eduardo Año ang paghahain ng kaso laban kay Rivera at lima pang kapitan na nagpabaya sa tungkulin at nagkaroon ng super spreader events.

“Sa inyo pong pag-uutos na kasuhan natin ang mga barangay officials, anim po ang nakita natin dito at nakasuhan,” diin ni Año sa kanyang ulat sa Pangulo.

Unang ipinag-utos ng Punong Ehekutibo ang pag-aresto sa mga lokal na opisyal kung saan may nagaganap na mass gatherings at ituring itong dereliction of duty.

 (JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *