Friday , March 28 2025

SM Center Sangandaan dagdag vaccination site

SIMULA sa darating na Lunes, magiging karag­da­gang CoVid-19 vaccination site sa Caloocan ang SM Center Sangandaan.

Maaaring magtungo rito para magpabakuna ang mga mamamayan ng mga barangay sa South Caloocan. Sa ngayon ay A1, A2 at A3 pa rin ang priority list groups na kasama na sa mga bina­bakunahan.

Partikular na gaga­wing vaccination site ang SM Center Sangandaan Cinemas na pangunguna­han ng ating city health workers ang pagbabaku­na.

Tatanggap ng 400 slots mula Lunes hang­gang Sabado, 8am hang­gang 4pm. Paalala sa mga magpapabakuna may cellphone, kailangan mag-download ng StaySafe App para sa contact tracing ng establisiyemen­to.

Nagpapasalamat si Mayor Oscar “Oca” Malapitan sa pamunuan ng SM Center Sangandaan para sa tulong at suporta nito sa mass vaccination program ng lungsod.

“Maraming mara­ming salamat sa SM Center Sangandaan na hindi nag-atubiling ma­ging kaagapay natin sa programang ito. Salamat sa pagsama sa amin sa layuning mawa­kasan na ang pandemyang CoVid-19,” pahayag ni Mayor Malapitan.

Ipinaaalala sa publi­ko, kung kabilang sa priority list groups na binaba­kunahan, basta nakapag-profiling/registration ay maaari nang magtungo sa vaccination site na malapit sa inyong lugar. Hindi na kailangan mag­hin­tay ng text message para sa appointment.

Maaaring magpa-profiling/registration sa inyong barangay health center o kaya naman ay sa pamamagitan ng link na ito: bit.ly/profilingcalv2

 (J. DAVID)

About Jun David

Check Also

BingoPlus Marks its Third Anniversary in a Prestigious Power Gala

BingoPlus Marks its Third Anniversary in a Prestigious Power Gala

BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, will celebrate its upcoming third-year anniversary, entitled …

DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

Naimbentong C-trike ng CSU, iniaalok sa FETODA ng Tuguegarao para sa environment-friendly na transportasyon sa lungsod

NAKAHANDA ang Electromobility Research and Development Center o EMRDC ng Cagayan State University na ibahagi …

DOST CSUs C-Trike A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

DOST, CSU’s C-Trike: A Game-Changer for Green Transportation in Tuguegarao

The Electromobility Research and Development Center (EMRDC) of Cagayan State University (CSU) is set to …

DOST Region 1s float and mascots dazzle crowd hype science at grand parade

DOST Region 1’s float and mascots dazzle crowd hype science at grand parade

CITY OF SAN FERNANDO, LA UNION– The Department of Science and Technology Region 1 (DOST …

Krystall Herbal Oil

Sugat at galos sa pagsemplang ng motorsiklo mabilis na pinatuyo at pinagaling ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Magandang araw …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *