Tuesday , May 13 2025

Cebu Pacific nag-uwi ng panibagong 1.5-M vaccine doses mula Beijing (Unang pribadong shipment ng bakuna)

LIGTAS na muling nailipad ng Cebu Pacific ang panibagong 1.5 milyong CoVid-19 vaccine doses mula Beijing patungong Maynila, nitong Huwebes, 17 Hunyo, sa pamamagitan ng flight 5J 671, bilang pagtulong sa tuloy-tuloy na rollout ng vaccination program ng bansa.
 
Kabilang sa shipment na ito ang unang batch ng mga bakunang binili ng mga pribadong kompanya na aabot sa 500,000 dose ng Sinovac.
 
“We appreciate the support of Cebu Pacific and other carriers in transporting these life-saving vaccines, and look forward to welcoming even more in the coming months as we expect to continue inoculating more Filipinos,” pahayag ni vaccine czar, Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.
 
Lahat ng mga bakunang dumating ay nakalagak sa temperature-specific refrigerated containers upang mapanatili ang bisa nito hanggang makarating sa kanilang mga destinasyon.
 
“We are happy to keep supporting our government while aiding the private sector in this united effort to successfully vaccinate the Filipino population. We are committed to continue contributing in this national fight against CoVid-19 through the safe and timely delivery of vaccines from abroad and across our domestic network,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.
 
Sa loob ng linggong ito, mahigit sa 330,000 doses ang naihatid ng Cebu Pacific sa Virac, Tuguegarao, Masbate, Puerto Princesa, Zamboanga, Legazpi, Bacolod, Cotabato, Butuan, Tagbilaran, Roxas, at Cebu, na bagong destinasyon ng mga bakuna.
 
Nitong Martes, 15 Hunyo, inilipad ng Cebu Pacific ang unang kargamento nitong naglalaman ng 54,400 CoVid-19 vaccine doses patungong Cebu.
 
Sa kasalukuyan, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng higit sa anim na milyong CoVid-19 vaccine doses mula China, at 1.4 milyong doses na naihatid sa 14 lalawigan sa bansa.
 
Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.
 
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA OROZCO)

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

Puregold Nasa Atin Ang Panalo OPM Con 2025 SB19, BINI G22 KAIA Skusta Clee Flow G Sunkissed Lola

Puregold Nasa Atin ang Panalo magtatampok ng mga bagong musikero at mga pasabog

ITATAMPOK muli ng Puregold ang talentong Pinoy kaugnay ng pangakong kumonekta sa kabataang Filipino, sa mga nagmamahal …

Krystall Herbal Oil

Krystall Herbal Oil proteksiyon sa pabago-bagong panahon

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis okey lang mag-endoso ng beauty product; Rhea Tan puring-puri kabaitan ng aktor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez OPISYAL na ipinakilala ng President/CEO ng Beautederm, Ms Rhea Anicoche-Tan ang bagong ambassador ng Belle …

SM Hypermarket Complete Home 2025

Complete Home 2025: Budols That Bring Joy to Your Home

SM Hypermarket’s Complete Home is Back — where incredible savings and home upgrade inspiration come …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *