MAGPAPATUPAD ang Cebu Pacific ng bagong polisiya para sa mga pasaherong may nais baguhin sa kanilang mga flight, bilang bahagi pa rin para patuloy na mapagaan ang pagbibiyahe ng mga Pinoy.
Simula sa 1 Hulyo 2021, ang travel fund option para sa voluntary flight changes ay magagamit ng mga pasaherong bumili ng CEB Flexi add-on noong kanilang inisyal na booking.
Ang CEB Flexi ay bagong produkto ng Cebu Pacific na sa halagang P499 ay nagbibigay ng option sa mga pasahero na magkansela ng kanilang flight nang libre hanggang dalawang oras bago ang kanilang flight at ilagay ang halaga ng kanilang ticket sa Travel Fund.
Maaaring magamit ang halagang nasa virtual wallet sa loob ng dalawang taon para mag-book ng panibagong flight o kaya ay bumili ng add-ons gaya ng seat selection, additional baggage allowance, o travel insurance.
Sa mga pasaherong may nais baguhin sa kanilang booking kahit walang CEB Flexi, maaaring gamitin ang Unlimited Rebooking option ng Cebu Pacific at mag-rebook kahit ilang beses hanggang dalawang oras bago ang nakatakdang flight.
Permanente nang tinanggal ng Cebu Pacific ang change fees simula pa noong Marso upang mabigyan ng kinakailangang flexibility ang mga pasahero lalo ngayong nasa panahon ng pandemya.
“We have made it a point that we are agile in responding to our customers’ needs amid the fluid situation. It is our commitment to provide safe, affordable, and convenient air travels for everyJuan in the years to come, and we need to make sure that we operate sustainably. This is why we are announcing this new and permanent policy after over a year of careful assessment,” pahayag ni Candice Iyog, Vice President for marketing & customer experience ng Cebu Pacific.
Inilunsad ang CEB Flexi upang magkaroon ng dagdag na flexibility ang mga pasahero at panatag na makapagbiyahe, kaugnay ng commitment ng Cebu Pacific na patuloy na susuportahan ang industriya at muling umangat ang kompiyansa ng publiko na bumiyahe sa gitna ng pabago-bagong travel restriction.
Maaari rin magamit ang CEB Flexi bilang bundle sa pamamagitan ng GO Flexi na maaaring magkansela ng flight nang libre, mag-check-in ng bagahe na may kabuuang timbang hanggang 20 kilo.
“Trust that we will continue to listen to our customers and prioritize their needs as we endeavor to respond the best way possible. We have enhanced our products so everyJuan has access to greater flexibility on top of guaranteed safe and seamless travels with CEB,” dagdag ni Iyog.
Sa mga psaherong apektado ng flight cancellations, mayroon pa rin mga standard option ang Cebu Pacific gaya ng unlimited rebooking, refund, at travel fund.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa www.cebupacificair.com o magpadala ng mensahe kay Charlie the chatbot sa Cebu Pacific website o sa official CEB Facebook page.
Maaari ring makita ang contactless flight procedures, updated schedules, travel document requirements, at FAQs sa https://bit.ly/CEBFlightReminders.
Ang Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong biyaheng internasyonal.
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA OROZCO)
Check Also
ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future
DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …
Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching
Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …
Chinatown TV sent field reporters to attend the Seminar on Press Officers and Journalists for the Philippines
On November 27, 2024, Chinatown TV sent reporters Shakespeare Go and Andrew See to Changsha, …
BingoPlus blasts the party at the Howlers Manila 3.0
BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, elevated the Howlers Manila 3.0 Cosplay and Music …
BingoPlus, ArenaPlus, and GameZone wrap up 2024 in an appreciation night
METRO MANILA – BingoPlus, the country’s most comprehensive digital entertainment platform, together with your 24/7 …