Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alma Moreno ipina-Tulfo

INIREKLAMO at ipina-Tulfo pa ng may-ari ng inuupahang condominium unit sa Parañaque si Alma Moreno. Ito’y matapos umanong layasan na lamang ng aktres at hindi binayaran ang nagamit na kuryente na umaabot sa P40k.

Sa nasabing programa, ipinasilip ng may-ari ng condo na si Theresa Grenard ang kalagayan ng condo na nilayasan ni Alma.

Kuwento ni Grenard, ilang beses itong nakipag-ugnayan kay Alma tungkol sa isyu subalit deadma lang umano ito.

Ayon pa sa may-ari ng condo, hindi niya pinarerentahan ang unit dahil pandemya ngunit nakiusap si Alma at kanya itong pinagbigyan.

Isang buwan ang kanilang napag-usapan mula Agosto 25 hanggang Setyembre 25. Sa umpisa ay wala raw naging problema hanggang sa malaman niyang umabot na sa limang buwan na hindi nakapagbabayad ang aktres na naputulan pa ng kuryente.

Sambit pa ni Grenard, kahit hindi na bayaran ng mommy ni Mark Anthony Fernandez ang upa sa kanya, basta’t bayaran nito ang kuryenteng ginamit sa condo.

Sabi naman ni Alma, alam ng Diyos na wala siyang kasalanan.

Sana ay mag-usap na lang ang dalawang panig at ayusin na lang nila ang gusot nila. Lahat naman ay nadadaan sa magandang usapan, ‘di ba? (ROMMEL PLACENTE)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …