MULING naghatid ang Cebu Pacific ng panibagong batch ng isang milyong doses ng CoVid-19 vaccine mula Beijing hanggang Maynila nitong Linggo, 6 Hunyo – ang ikaapat na kargamento ng mga bakunang inihatid ng airlines sa pakikipagtulungan sa Department of Health (DOH).
Ligtas na naihatid ang mga bakunang nakalagak sa temperature-controlled containers, sakay ng chartered na A330 flight 5J 671 ng Cebu Pacific, dumating sa NAIA dakong 7:35 am kahapon.
“We remain optimistic that the continuous airlifting of these life-saving vaccines will pave the way in inoculating a sizeable amount of the population. We appreciate the support of Cebu Pacific and other Philippine carriers in this mission of distributing COVID 19 vaccine supplies even to the far regions of the archipelago,” pahayag ni vaccine czar, Sec. Carlito Galvez, Jr., chief implementer ng National Task Force Against CoVid-19.
Pagdating sa Maynila, agad ininspeksiyon ang lahat ng mga bakuna ng mga awtoridad bago inilipat sa mga cold storage van at mga pasilidad.
“We remain grateful for the opportunity to support the government’s vaccination program. We are keen to transport the vaccines, whether internationally or domestically, so that our national vaccination campaign meets its targets,” ani Alex Reyes, Chief Strategy Officer ng Cebu Pacific.
Noong isang linggo, nakapaghatid ang Cebu Pacific ng may kabuuang 51,800 CoVid-19 vaccine doses sa limang lungsod – Puerto Princesa, Cagayan de Oro, Cotabato, Zamboanga, sa Tuguegarao.
Sa kasalukuyan, nakapagbiyahe ang Cebu Pacific ng 3.5 milyong vaccine doses mula China hanggang Maynila, at nakapaghatid ng higit sa 1.1 milyong doses sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula noong Marso.
Cebu Pacific ang may pinakamalawak na domestic network sa bansa na mayroong 32 destinasyon, kabilang ang anim nitong internasyonal.
Isa sa pinakabata sa buong mundo, kabilang sa 75-strong fleet nito ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter.
(KARLA OROZCO)