Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
harassed hold hand rape

Tiyuhin nagparaos sa dalagitang pamangkin, kalaboso

ARESTADO ang isang lalaki matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalagitang pamangkin sa bayan ng Obando, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 31 Mayo.
 
Sa ulat mula sa Obando Municipal Police Station (MPS), kinilala ang suspek na si Ricky Mendoza, 44 anyos, residente sa Brgy. Panghulo, sa nabanggit na bayan.
 
Nabatid na dinakip ng mga awtoridad ang suspek matapos ireklamo ng ina ng kanyang 17-anyos na pamangkin na ginahasa ang biktima sa kanilang bahay sa naturang barangay.
 
Sinamantala umano ng suspek na silang dalawa lamang ang tao sa bahay at nang pagsakluban ng pagnanasa ay sapilitang inangkin ang puri ng dalagitang pamangkin.
 
Kahit tinakot ng suspek ang biktima na may masamang mangyayari kapag nagsumbong ng kanyang ginawa ay nanaig pa rin ang pagnanais ng dalagita na makamit ng katarungan sa kanyang sinapit kaya ipinagtapat niya ito sa kanyang ina.
 
Agad nagsadya sa himpilan ng Obando MPS ang ina ng biktima at isinumbong ang pangyayari na nagresulta sa pagkaaresto ng suspek. (MICKA BAUTISTA)
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …