Sunday , November 17 2024
Cebu Pacific plane CebPac

Cebu Pacific Advisory: KANSELASYON NG DUBAI FLIGHT HANGGANG 15 HUNYO 2021

KINANSELA ng Cebu Pacific ang kanilang flights mula at patungong Dubai ngayong 1-15 Hunyo 2021 matapos palawigin ng pamahalaan ang travel ban sa mga pasaherong mula sa United Arab Emirates, sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).
 
Ipinaalam sa mga apektadong pasahero ang sa pamamagitan ng mga detalyeng kanilang inilagay nang mag-book sila ng flight. Maaaring pumili ang mga pasahero ng option sa Manage Booking portal na matatagpuan sa Cebu Pacific website (http://bit.ly/CEBmanageflight) hanggang 30 araw mula sa petsa ng kanilang flight:
 
Rebook
Unlimited rebooking na walang change fee dahil permanente itong tinanggal ng Cebu Pacific. Walang karagdagang babayaran dahil waived ang fare difference kung ang flight ay sa pagitan ng 90 araw mula sa orihinal na petsa ng flight.
 
 
Travel Fund
Ilagak ang halaga ng ticket sa virtual CEB wallet na maaaring magamit sa loob ng dalawang taon sa pagbo-book ng panibagong flight o pagbabayad ng add-ons (e.g. baggage allowance, seat selection, etc.)
 
Refund
Dahil sa malaking bilang ng mga request, maaaring abutin ng pitong buwan ang refund mula sa petsa kung kailan ito ini-request.
 
Samantala, patuloy ang operasyon ng mga local at international flights ng Cebu Pacific, batay sa nakatakdang schedule.
Bago magtungo sa airport, pinapayohan ang mga pasahero na tingnan ang real-time status ng kanilang mga flight sa Cebu Pacific webstite: https://bit.ly/CEBFlightStatusCheck, kabilang ang mga travel requirement, safety protocols, at (FAQs) sa   https://bit.ly/CEBFlightReminders .
 
Maaari rin mag-update ang mga pasahero ng kanilang contact details sa http://bit.ly/CEBUpdateInfo upang makatanggap ng email notifications sa flight reminder at iba pang update. 
 
Para sa iba pang mga katanungan, maaaring magpadala ng mensahe ang mga pasahero kay Charlie the chatbot sa Cebu Pacific website, o sa official Facebook at Twitter accounts. (KARLA OROZCO)
 
 

About Karla Lorena Orozco

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *