Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yassi Pressman Rolling in It Coco Martin
Yassi Pressman Rolling in It Coco Martin

Yassi new game show ang ipinalit sa Probinsyano Yassi Pressman Rolling in It Philippine

ANG suwerte naman ni Yassi Pressman dahil handpicked siya na maging host ng Rolling in It Philippine version ng number one game show sa United Kingdom na nagsimula noong Agosto 8, 2020 habang nasa COVID-19 pandemic ang buong mundo.

Ito ang sinabi niya sa katatapos na virtual mediacon ng Rolling in It Philippines na magsisimula na sa Hunyo 5 (Sabado), 7:00 p.m. at mapapanood din sa Sari-Sari tuwing Linggo, 8:00 p.m. simula naman sa Hunyo 6 handog ng Cignal TV CH. 3, SatLite CH. 30, at mayroon din sa Cignal Play App na puwedeng ma-download ng libre para sa Android at iOS users.

Anyway, paos na humarap si Yassi sa media at aminadong pinapainom siya parati ng Peipakoa at Green Tea juice para sa boses niya dahil hindi biro ang mag-host ng nag-iisa.

Hindi na nakapag-workshop ang dalaga sa hosting dahil kapos na sa oras, puro na lang sila rehearsals at paulit-ulit niyang binabasa ang script na mahigpit na bilin sa kanya ay kailangan niya itong sundin kahit na may mga adlib pa.

Humingi siya ng advise kay Robi Domingo na isa sa most in demand host ng ABS-CBN.

“Si Robi (Domingo) po, binigyan niya ako ng napakaraming pointers like sabi niya, ‘just be yourself, just have fun,’ mayroon pa siyang mga nakatatawang sabi pero hindi ko na po ikukuwento. Thank you Robi,” kuwento ng dalaga.

Ang Rolling in It Philippines ang dahilan kung bakit iniwan ni Yassi ang FPJ’s Ang Probinsyano at aminadong malaking risk iyon sa kanya.

“That was pero that happened din po kasi because of schedule dahil mahirap na rin po ituloy ‘yung lock-in kaya sobrang thankful po sa Dreamscape, ABS-CBN all of my bosses and especially kay Coco (Martin) na gumawa ng script na nangako po siya na magkakaroon ng magandang exit si Alyana.

“I appreciated his appreciation na maganda ‘yung impact sa kanya ni Alyana. Sana patuloy pa rin ninyong suportahan ang ‘Probinsyano’ sa TV5,” pahayag ni Yassi.

Sa Rolling in It Philippines ay may celebrity partner ang tatlong contestants nila na posibleng mag-uwi ng P2-M kaya natanong si Yassi kung sino ang gusto niyang makitang maglaro sa studio tutal naman ay napapanood na rin naman ang Kapamilya shows sa Kapatid Network.

“I would love to have my family of course to my ‘Ang Probinsyano’ if they can guest. Ang dami po, sina Alex (Gonzaga), kahit po sino puwede,” nakangiting sabi ng actress cum TV host.

Hiling ng Coco-Yassi supporters ay si Cardo Dalisay daw.

“Alam ko po may lock in taping silang mahabang-mahaba so baka tapos na ‘yung show namin. Or maybe after,” nakangiting sagot ni Alyana.

Ang Rolling in It Philippines ay handog ng Viva Television, Sari-Sari, at Cignal TV.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …