NATAGPUAN ang mga labi ng hindi kilalang babae at lalaki sa Brgy. Matangtubig, bahagi ng Pulilan-Baliwag bypass road sa bayan ng Baliwag, lalawigan ng Bulacan nitong Miyerkoles ng umaga, 19 Mayo.
Ayon kay P/Col. Jayson San Pedro, hepe ng Baliwag Municipal Police Station (MPS), tinatayang nasa 30 hanggang 40 anyos ang babae na nakasuot ng pantalong maong, itim na kamiseta, at rubber shoes na may nakasulat na “forever grateful” at may tattoo sa magkabilang balikat na “Lanie” at isang pangalan ng gang; samantala tinatayang nasa edad 30 anyos ang lalaking nakasuot ng short pants at kulay rosas na kamiseta na may tatak na “Feast of San Lazaro.”
Nabatid, dakong 5:50 am kahapon nang matagpuan ng ilang motoristang dumaraan sa lugar at ipinagbigay-alam agad sa Baliwag MPS.
Pahayag ni San Pedro, parehong may tama ng bala sa ulo ang dalawa at ang lalaki ay may tama rin ng bala sa katawan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na sa lugar mismo binaril ang mga biktima sa pamamagitan ng mga tama ng bala sa ulo at katawan dahil sa mga marka ng dugong nakita sa pinangyarihan ng krimen at pagkarekober ng mga basyo at slug mula sa .9mm kalibre ng baril.
Lumilitaw din sa imbestigasyon ng mga tauhan ng Baliwag MPS parehong taga-Maynila ang mga biktima. (MICKA BAUTISTA)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …