Cebu Pacific naghatid ng panibagong batch ng vaccines sa VisMin (6 lungsod nakatanggap ng 70,000 doses)
LIGTAS na naihatid ng Cebu Pacific ang tinatayang 70,000 CoVid-19 vaccines sa iba’t ibang bahagi ng Visayas at Mindanao nitong 11-12 Mayo bilang tulong na maipamahagi ang mga bakuna sa buong bansa.
Kabilang sa naihatid na kargamento ang 4,760 doses para sa Bacolod; 7,600 para sa Cotabato; 18,075 para sa Davao; 27,620 para sa Legazpi; 6,200 para sa Puerto Princesa; at 5,320 para sa Zamboanga.
“We are happy to support our government in its efforts to curb the virus. Our country’s progress has been promising and we look forward to an even stronger collaboration between the public and private sectors. Rest assured, we are more than ready to continue flying these life-saving vaccines from abroad and across our widest domestic network,” pahayag ni Alexander Lao, Chief Commercial Officer ng Cebu Pacific.
Nakapreserba ang lahat ng mga bakuna sa temperature-specific refrigerated containers upang mapanatili ang bisa at lakas nito hanggang makarating sa mga kaukulang patutunguhan.
Noong 7 Mayo, matagumpay na naihatid ng Cebu Pacific ang 1.5 milyong doses ng bakuna mula Beijing patungong Maynila, na itinuturing na pinakamalaking single shipment na inilipad ng isang Philippine carrier, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH).
Simula noong Marso 2021, nakapaghatid na ang Cebu Pacific ng higit sa 2.5 milyong doses ng bakuna, na ang kalahating milyon dito ay naihatid sa pitong lalawigan sa bansa.
Nag-o-operate ang Cebu Pacific ng pinakamalawak na domestic network sa Filipinas, may 32 destinasyon, bukod pa sa anim nitong international destinations. Kabilang sa 74-strong fleet nito, na itinuturing na pinakabata sa buong mundo, ang dalawang ATR freighter at isang A330 freighter. (KARLA OROZCO)