Tuesday , January 13 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Reyno Oposa magbubukas ng chicken grill house, may malaking lupaing ide-develop sa Siargao (Sanay na sa lockdown sa Canada)

Aming naka-chat last Saturday ang kaibigan naming director at movie producer na si Reyno Oposa.

Biniro namin si Direk at mukhang sanay na siya sa paulit-ulit na lockdown sa Ontario, Toronto.

Well, say ni Direk Reyno, sa haba raw ng pandemya ay tanggap na nila ng kanyang wife na si Ma’am Maria Cureg ang sitwasyon. Kaysa lamunin ng stressed-out, trabaho ang kanilang pinagkaabalahan at kapag

day-off nila sa work, ang pag-upload naman ng mga ginawang pelikula sa kanyang official YouTube network (Reyno Oposa) ang pinaglilibangan ni Direk.

Humingi nga pala ng dispensa si Direk Reyno sa mga naka-miss sa kanyang mga post sa kanyang FB account at nabiktima siya ng hacking, mabuti na lang at naibalik niya ito.

Samantala, bago magtapos ang 2021 ay nakatakdang bumalik ng bansa si Direk Reyno, para sa reopening ng kanyang business na Reyno Oposa Wild Kitchen Off Grid Edition.

Ilang taon rin siyang may negosyong litsong manok sa lugar nila sa Payatas. Aside sa nasabing negosyo ay aasikasuhin rin ng nasabing director ang pag-develop ng malaking lupain sa Siargao na pagtatayuan raw niya ng Glass house at marami siyang plano

para sa ekta-ektaryang lupain roon.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Jaime Yllana Anjo Yllana

Anjo pinayuhan ng anak: at the end of the day he’s my Dad

MATABILni John Fontanilla NAIINTINDAHAN ng newbie actor na si Jaime Yllana ang kanyang ama na si Anjo Yllana sa …

Vice Ganda Nadine Lustre Christophe Bariou

Nadine Mr Right si Christophe

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ni Nadine Lustre na Prince Charming ang boyfriend na si  Christophe Bariou. Sa vlog …

Amor Lapus Boss Vic del Rosario Jojo Veloso

Amor Lapus, thankful kina Boss Vic del Rosario at Jojo Veloso sa pagbabalik-showbiz

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang pagbabalik-showbiz ng sexy actress na si Amor Lapus …

Dennis Padilla Gene Padilla Claudia Barretto Basti Lorenzo Catalina Baldivia

Gene sa mga pamangkin kay Dennis: kung ayaw sa amin  okay lang

RATED Rni Rommel Gonzales SA unang pagkakataon ay nagsalita si Gene Padilla tungkol sa kontrobersiya nilang magkakapamilya. …

Dennis Trillo Jennylyn Mercado Marian Rivera Dingdong Dantes

DongYan, Dennis-Jen parehong nag-deny power couple na maghihiwalay 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus UKOL naman sa lumabas na blind item sa power couple na …