Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

100 entertainment press nabiyayaan ng bonggang ayuda ng ayaw pakilalang Good Samaritan (Sa pamamagitan ng SPEED)

Super speechless and touched ang inyong columnist nang maka-recieved ako just recently ng text message coming from pretty entertainment ED of HATAW, my dear Ms. Maricris Nicasio, na may ayuda raw ako from SPEED, ang sponsor ay mula sa isang very generous and kind-hearted na ayaw raw magpabanggit ng pangalan. Ang paayudang ito sa panahon ng pandemya para sa 100 entertainment press members ay special project ng SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na tinawag nilang “PROJECT KALINGAP.”

Narito ang mensahe ng SPEED na kinabibilangan ni Ms. Maricris, Ms. Ian Farinas, Mr. Nestor Cuartero, Ms. Salve Asis, Tessa Mauricio-Ariolla, Dina Ventura, Dindo Balares, Eugene Asis, Jojo Panaligan, Dondon Sermino, Ervin Santiago, at kaibigang Rohn Romulo.

“PROJECT KALINGAP. We are happy to offer this humble financial aid to members of the entertainment press through the Society of Philippine Entertainment Editors (SPEED). Behind this effort is a well meaning donor who cares for the entertainment media. Please thank our donor through your prayers. Thank you.”

At hindi basta-basta ang ibinigay ng nasabing donor (na ayaw raw magpabanggit ng kanyang pangalan) na pwedeng ipambayad sa Meraclo and water bills at pang grocery. Yes kung ‘yung ibang big stars d’yan na bida-bidahan sa social media sa kanilang properties at mga moneyed talaga ay deadma sa kalagayan ng press, ang taong hulog ng langit sa amin ay hindi ipinagdamot ang kaniyang P1 million na ibinigay sa SPEED para ipamahagi ng prestigious award giving body sa mga tulad naming showbiz writer na kapos dahil wala nang ganoong pinagkakakitaan sa showbiz.

Kaya muli ang aking milyong pasasalamat sa mga kaibigan naming mga opisyal ng SPEED at kay Ma’am/Sir Philanthropist.

At para sa iyo (ma’am/sir) na may malaking puso at malasakit sa amin sa entertainment media, makaaasa po kayo na sa bawat naming panalangin ay lagi kayong kasama. Sana’y gabayan kayo lagi ng “Itaas” lalo ang inyong kalusugan. Maraming-Maraming Salamat and God bless you more po.

Samantala last March 22, matagumpay na nairaos ng SPEED ang kanilang 4th EDDYS Virtual Awards at star-studded ito.

Napanood ang nasabing awards night sa iba’t ibang FB Pages. Si late Isah Red ang founder ng said group of entertainment editors.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …