Kinalap ni Tracy Cabrera
MANILA — Ayon kay Albay representative Jose Maria Clemente ‘Joey’ Salceda, kinakailangang suspendehin muna ang door-to-door data collection para sa national identification system ng Philippine Statistics Authority (PSA) kasunod ng mga ulat na daan-daan ang isinailalim sa kuwarantena makaraang magpositibo ang isang data enumerator ng novel coronavirus disease (CoVid-19).
Sa kanyang liham kay PSA national statistician Claire Dennis Mapa, nagpaalala si Salceda na ang face-to-face data collection at iba pang mga survey ay kailangang ipatigil pansamantala dahil batay sa huling mga kaganapan, ang aktibidad ay maaaring maging isang super-spreader event na maaaring magpalala sa situwasyon ng pandemya sa bansa.
“I appeal strongly to your office to temporarily suspend door-to-door and face-to-face data collection for the national ID system and other surveys until we could reasonably guarantee that enumerators will not be vectors for infection,” pinunto ni Salceda.
Ayon sa mambabatas, 400 indibidwal ang kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine sa Polangui, Albay dahil nahawa umano sa enumerator na nagpositibo sa CoVid-19.
“If infection is confirmed, the enumerator would have been a super-spreader,” opinyon ni Salceda.
“Even if a super-spreader event does not take place, the protocols have forced contacts of the enumerator to quarantine, interrupting their livelihoods,” dagdag niya.
Idiniin ni Salceda, ang mga data enumerator mismo ay “at risk” sa pagiging close contact ng mga mayroong impeksiyon.”
“If the PSA will insist on face-to-face registration, enumerators should at least be vaccinated,” kanyang tinukoy.
Hinimok ng mambabatas mula sa Albay ang PSA na maghanap ng mga pamamaraan para makapagsagawa ng data gathering na ligtas at hindi makasasama sa publiko.
“While I support the national ID system and completing it as soon as possible to help distribute necessary social programs, we should conduct data gathering activities in ways that do not endanger the lives of our citizens,” pagtatapos ni Salceda.