Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Toni, over 3-M subscribers sa YouTube, Alex may daily millions of viewers (Sisters namamayagpag sa social media)

NGAYONG parehong namamayagpag sa mundo ng YouTube ang sisters na sina Alex at Toni Gonzaga, masaya ang kanilang mga magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Carlito “Bonoy” Gonzaga sa success na ito ng kanilang mga daughter na parehong sikat na celebrity.

Sa kanyang Instagram ini-post ni Mommy Pinty ang kanyang pagbati kay Toni para sa over 3 million subscribers sa sariling YouTube channel na Celestine Gonzaga-Soriano at digital show na “Toni Talks.”

Isa kami sa viewers ng show ni Toni and in fairness lahat ng episodes ay matataas ang views like ‘yung collaboration ni Toni kay Ivana Alawi na humamig ng 4.4 million views.

What Alex discovered about Mikee after their wedding ay 5.8-M views, Mommy Pinty Spills the Tea na 2.8 million (and counting) naman ang nanood.

Ilan sa naging bisita ng singer-actress sa toni talks ang celebrity couple doctors na sina Vicki Belo and Hayden Kho, Ma’am Charo Santos, Melai Cantiveros, Baron Geisler, at marami pang iba.

Umabot rin sa 1.6 million views in 2 days time ang interview ni Toni sa komedyanteng si Jobert Austria. Hindi lang sa kanyang YT network patok si Toni, maging sa isa pang digital show na “I Feel You,” produced ng ABS-CBN Star Cinema na nasa season 4 na.

Samantala patuloy ang pagtangkilik ng fans and supporters sa Vlog ni Alex Gonzaga na as of press time ay 10.4 million na ang subscribers ni Alex sa official YouTube channel nito.

Isa rin siya sa most in demand celebrity endorsers at kalat ang naglalakihang billboard sa EDSA para sa ini-endosong Jag jeans.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …