Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor blessed sa malaking project with Sharon Cuneta and Direk Darryl Yap (Outlook sa buhay very positive)

KUNG achievements ang pag-uusapan, may mga napatunayan na ang Viva singer-actress and songwriter na si Marion Aunor kabilang ang pagiging grammy member nito.

Yes pang-international ang arrive ni Marion na ang boses ay katipo ng mga sikat na female foreign artists.

Pero lahat ng narating sa kanyang singing career at ngayo’y pinasok na ang acting ay ayaw ipagbayang ni Marion bagkus mas gusto niyang maging mahusay pang singer at actress.

At inspired ang magandang daughter ni Ma’am Maribel Aunor sa movie project niya sa Viva with the only Megastar Sharon Cuneta na Revirginized na naging malapit sa kanya sa set.

Yes kahit one week lang silang nagkasama ni Shawie ay happy si Marion at na-witness niya ang kabaitan at pagiging supportive sa kanila ni mega na una niyang nakatrabaho nang gawan niya ng isang komposisyon.

“Matagal ko na rin pong gustong ma-meet si Ms. Sharon since I wrote her song “Lantern” noong 2018 para sa kanyang Megastar album. So ang saya lang na through this movie pa kami finally nag-meet.”

Dagdag ng multi-awarded artist, “I’m very happy na nabigyan po ako nila Boss Vic (del Rosario) ng ganitong break.”

Samantala, ano naman ang masasabi ni Marion, sa director nila sa Revirginized na si Direk Darryl Yap na first time niyang naka-work sa movie?

“First time po. Pero ginamit niya na rin po iyong songs ko sa Sakristan (2020 Philippine streaming television series) na Delikado, Akala, and Mahal Kita Ngayon, sa OST nito.”

Ano naman ang masasabi ng dalaga kay Direk Darryl at kumustang katrabaho? “I like working with him dahil very out-of-the-box ang ideas niya in terms of the movies and series he directs and writes.

“Noong nag-meet po kami, he really took the time to explain our characters to us pero at the same time, gives us the freedom to portray them how we see fit. Mabait po siya and friendly,” say ni Ms. Aunor.

Bukod sa Revirginized ay bida si Marion sa film na Togs katambal si Gerald Santos at Tibak, na naging nominado ang young singer-actress bilang “New Movie Actress of the Year” sa PMPC Star Awards for Movies.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …