Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Benepisyo inipit, kalusugan ikinalso ni Duque sa panganib (Health workers ‘isinakripisyo’)

NAKATATAKOT ang kondisyon ng health system sa bansa sa ngayon.

Marami ang nagsasabi na anytime ay puwede itong bumagsak dahil walang pagmamalasakit ang pambansang pamahalaan sa kalagayan ng health workers sa pampublikong mga ospital.

Ngayon pa naman na muling tumataas ang pananalasa ng pandemyang CoVid-19.

Unti-unti nang nalalagas ang mga health workers na unti-unting inuubos ng pandemya.

Pero ang higit na nakapanlulumo, walang pakialam si Secretary Francisco Duque III sa kalagayan ng health workers.

Halos wala na silang masulingan tapos mayroon pa silang pinuno na napakasinungaling.

Sinabi ng health workers na tahasan ang pagsisinungaling ni Health Secretary Francisco Duque III nang sabihin na binabantayan nang husto ng Department of Health (DOH) at dalawang beses isinasailalim sa CoVid-19 swab test ang health workers.

Dahil sa kasinungalingang ito, inupakan sa social media platform Twitter si Duque makaraang mapanood sa telebisyon ang kanyang ‘imbentong’ ulat kay Pangulong Duterte na regular umanong imino-monitor ng DOH ang kapakanan ng health workers, noong Lunes ng gabi sa Talk to the People.

Sa tweet ng isng doktor sinabi niyang, “Calling out this blatant lie now: no, this is not true. Since last year, I was only ever tested twice. Twice in an entire year. Colleagues in other hospitals have pretty much the same experience.”

Hindi kaya kinikilabutan si Duque sa kanyang mga kasinungalingan?

Ang kapal naman!

Nauna rito nagpadala ng liham kay Pangulong Duterte kamakalawa ang Alliance of Health Workers (AHW), hiniling nila ang dialogo sa Punong Ehekutibo upang mailahad ang kanilang mga hinaing.

Hanggang ngayon kasi, hindi pa ibinibigay ang kanilang Performance Based Bonus (PBB) mula 2018 hanggang 2020.

Hindi lang ‘yan, ang mga benepisyo nila sa ilalim ng Bayanihan 2 ay hindi pa rin inire-release hanggang ngayon ng DOH.

Nasaan ang pondo Duque?!

Hindi lang manhid, hidhid din ang kalihim ng DOH.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *