Super mega haba ang explanation ng former actor na si Danny Ramos in connection with her gap with her 21-year-old half sister, Danica Robelas, na ina-accuse siya ng pambubugbog.
Hurting si Danny dahil ‘ipina-Tulfo’ siya ng nakababatang kapatid last week at nangako si Raffy Tulfo na ito raw ang gagastos sa demandang isasampa ni Danica.
“Hindi naman po yata tama na sa edad kong 21 years old, binubugbog pa po niya ako.
“Hindi ho ‘yun ang unang beses na sinaktan niya ako. Maraming beses na ho, Sir Raffy, maraming beses ko na rin siyang pinatawad, kahit hindi siya humihingi ng tawad. Kami ‘yung nag-a-adjust sa kanya.”
Gusto raw niyang makakuha ng temporary restraining order (TRO) mula sa korte para hindi na makalapit sa kanya si Danny.
“Kuya, nagpapasalamat ako sa lahat ng ginawa mo sa akin, sa lahat ng ibinigay mo sa amin. Pero kahit tanungin mo si Ate, ‘yung mga bata, ayaw ka na namin makasama.”
Pagod na pagod na raw ang dalaga at ayaw na nila siyang makita.
Huling nangyari raw ang pambubugbog sa kanya ni Danny last April 3, 2021.
Last Monday, April 12, Danny used his Facebook page para humingi ng apology at understanding sa kanyang half-sister.
“I would like to make an apology to everyone, especially to all my friends, family, and to my step-sister na nagagalit sa akin ngayon dahil sa nangyayari ngayon na ‘di pagkakaintindihan.”
Misunderstanding lang daw ito within the family. Aminado raw siyang nangdidisiplina at namamalo ng belt pero never raw siyang nambugbog.
“And as far as I know, naging mabuting tao naman ako. And I am what I am now, because of the way my parents disciplined us when we were young. At hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa aking mga magulang…
“I know, hindi karapatan ng stepbrother na paluin ang kaniyang stepsister, but I became a father figure ever since na naging breadwinner ako ng family at lalo nang magkasakit ng aneurysm ang mother ko. She is now bedridden and unable to speak and eat by herself… that’s why I felt that I need to take over and be a more disciplinarian brother to all of them.
“All I thought was ginawa ko lang best ko, but it turned out the wrong way. I became a stern disciplinarian ‘kontrabida, in the end.
“I hope everything will be settled within the family and not in social media (Tulfo). Nasira at gumuho lahat ng pangarap ko for the family. After everything that has happened, mas magandang manahimik at lumayo na lang ako. Sana ‘di na lang ako tumulong at sarili ko na lang inintindi ko. Sa huli ako pa pinasama… puwede naman ayusin sa maayos na paraan ito…”
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.