Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Non-residents, non-essential travels hindi pinalusot sa Bulacan border

SA IKALAWANG linggo ng pagpapa­tupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa NCR Plus, nananatiling mahaba ang pila ng mga sasakyan sa boundary ng North Caloocan at lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan.

Naging mahigpit ang ginagawang pagpa­patupad ng Philippine National Police at lokal na pamahalaan ng San Jose del Monte ayon sa resolusyon ng IATF.

Tanging pinapa­yagan lamang sa guidelines ng IATF ang hinahayaang maka­pasok sa lalawigan ng Bulacan na kabilang sa mga lugar na nasa NCR Plus.

Iniisa-isa ng mga awtoridad ang ID at dokumento ng mga dumaraan sa checkpoint at maging ang dala ng mga motorcycle rider na magde-deliver sa Bulacan ay binubusisi.

Sa isang pagkakataon, may isang galing ng lungsod ng Antipolo at magde-deliver ng bisikleta ang hindi pinayagang makapasok sa checkpoint kaya tinawagan na lamang niya ang kanyang pagdadalhan ng order.

Samantala, hindi pinayagang makalusot sa checkpoint ang isang residente ng SJDM dahil wala siyang maipakitang ID kaya tinawagan niya ang kasama niya sa bahay upang dalhin ang ID sa checkpoint.

Mayroong magkapatid ang dadalaw sana sa kanilang nanay na taga-San Jose del Monte galing sa Quezon City ngunit pinababa ng dyip dahil hindi sila taga-Bulacan.

Mayroong sakay ng kotse na hindi pinayagang makapasok sa Bulacan dahil hindi kabilang sa Authorized Person Outside of Residence (APOR) at hindi rin essential ang lakad.

Maging ang mga bus ay inaakyat ng mga kagawad ng pulisya upang malaman kung taga-Bulacan ang sakay nito at kung sila ay mga APOR.

(MICKA BAUTISTA)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …