Saturday , November 16 2024

Tulak kumasa sa parak, tigbak (Sa Marilao, Bulacan)

PATAY ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa inilatag na buy bust operation ng mga awtoridad sa bayan ng Marilao, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes ng madaling araw, 5 Abril.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajipe, provincial director ng Bulacan PNP, ang napaslang na suspek na si Dominador Donia, alyas Junior, residente sa Brgy. Ibayo, sa nabanggit na bayan.

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Rolando Gutierrez, hepe ng Marilao Municipal Police Station (MPS), dakong 12:10 am kama­kalawa nang magkasa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Marilao MPS sa naturang barangay laban sa suspek.

Matapos ang napag­kasunduang transak­siyon sa droga, nakatunog ang suspek sa presensiya ng mga pulis kaya bumunot ng baril at pinaputukan ang mga alagad ng batas na agad nagsikubli.

Napilitang gumanti ang mga pulis at sa ilang minutong palitan ng putok ay nasapol ng bala sa kata­wan ang suspek na nag­resulta sa kanyang kamatayan.

Sa pagproseso ng Bulacan SOCO team sa pinangyarihan ng krimen, nnakuha ng isang kalibre .38 revolver, mga basyo at bala, anim na selyadong plastic sachet ng hinihinalang shabu, at buy bust money.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *